Chapter 14

503 42 7
                                    

Jane's POV.

What? Ako?

I snapped out of it and turned my gaze on Julia who was smirking at me. "I mean, hindi kita masisisi, she's gorgeous plus cute when she's pouting." Pang aasar na sabi sakin ni Julia, naramdaman ko naman na nag init yung tenga ko, panigurado ay namumula na ito ngayon.

"Julia!" Inis na tawag ni Janella dito pero tumawa lang ito at tsaka tinaas ang dalawang kamay. "Fine, I'll stop." I heard someone giggles, I looked beside me and saw Miguel habang pinipigilan yung tawa nya.

Magdedeny pa ba ako at this point?

"Cute naman talaga kaya nga nakatitig ako kanina eh." Mahinahon na sabi ko na ikinagulat naman ni Janella at agad napatingin sakin, I smiled at her. Pero yung ngiti na ginagamit ko sakanya tuwing inaasar ko sya.

Kitang-kita ko naman ko paano mamula yung pisngi nya tsaka naman ako tumawa. "Kinikilig ka ba, Ms. President?" Nakita ko naman si Julia na halos mamatay-matay na kakatawa but Janella ignored her as she slowly leaned towards me.

"Gusto mo nanaman bang mapa-detention, Ms. De Leon?"

I gulped as I slowly smile, at tsaka umayos ng upo. "Hindi ka naman mabiro, Ms. President." Tumalikod na ako sakanila at inilabas ang cellphone ko, mananahimik nalang muna ako, ayokong mapa-detention.

Lalo na kung hindi naman si Janella yung kasama ko sa detention.

CHEESE BAKED MAC-ARONI.

[Joshua ng buhay ni Julia: Parang awa nyo na gumala naman tayo mamaya.]

Napangiti naman ako ng mabasa ko yung message ni Joshua. Gala talaga to eh.

[Washing Mac-hine: Kiss mo muna paa ko.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Kahit wag ka na sumama, tangeks.]

Aso't pusa talaga tong mga to, minsan din kasi malakas tong mang asar si Mac, at ang trip nya palagi si Joshua. Hindi talaga ako magtataka kung one day umamin tong dalawa na to sa isa't isa eh.

[Spread the gayness, cause why not: May tatanong muna ako.]

Mukha naman akong tanga na nakangisi habang hinihintay yung mga reply nila.

[Washing Mac-hine: Magpinsan tayo, itigil mo nararamdamanan mo para sakin.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Kay Julia lang talaga ako nak, magkaibigan lang talaga tayo.]
[Washing Mac-hine: Ayaw din naman sayo ng pinsan ko.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Ha? Ham.]

Napailing nalang ako sa mga reply nila, takte, ang bibilis magreply.

[Spread the gayness, cause why not: Bibilis nyo magreply, tsaka dapat sagot nyo lang 'ano' mga bobonic talaga kayo. Napanis na yung joke ko kakahintay matapos kayo.]

Papanget talaga minsan ka-bonding ng mga to. Magjo-joke sana ako eh, wag nalang. Kala mo mga di kaibigan eh.

[Joshua ng buhay ni Julia: Dami kasing kineme eh, alam mo naman maingay si Mac.]
[Washing Mac-hine: Hindi ka talaga napalaki ng maayos Joshua. Nagme-message ako, anong maingay doon? Kulang ka talaga sa gatas.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Ikaw kulang sa diaper.]

Natawa naman ako ng malakas sa message ni Joshua, nakita ko naman na nagsi-tinginan yung mga classmate ko sakin, siniko naman ako ni Miguel at tsaka lumapit sa tenga ko para may ibulong.

"Kung kelangan mo ng gamot sabihin mo lang. Umiiral nanaman kabaliwan mo."

Binatukan ko naman sya at tsaka sinamaan ng tingin, hindi talaga ako mapanakit na tao eh pero kay Miguel willing pa ako maging murderer.

Napakamot naman sya sa ulo nya tsaka may ibinulong ulit sakin. Kapag ito wala nanaman kwenta, itutulak ko talaga to palabas ng classroom namin, wala naman si Prof.

Untold PainWhere stories live. Discover now