Jane's POV.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sala namin habang nanonood kami ni Zaijian ng tv, sobrang focus namin pero SpongeBob lang naman yung pinapanood namin, pero bakit ba? Para samin dapat pinagtutuunan yon ng malaking atensyon.
Tinext ko si Janella kanina but she said she was still having a breakfast which made me shock because she clearly told me na hindi sya nagbi-breakfast.
I'm actually glad na kumain sya, breakfast is the most important meal of the whole day. It gives you a lot of energy and honestly kapag kumakain ako ng breakfast bago pumasok sa school, gumagana yung maliit kong brainy and nakakasagot minsan.
Minsan nga lang, at least nakasagot.
Sabi nga ni Joshua, 'grades doesn't define who you are.'
Mga kasabihan ng mga estudyanteng alam na babagsak sila kasi mas inuna ang katamaran, parang ako.
"Ate."
"Bakit?" Sagot ko habang nasa tv pa din naka-focus yung mga mata ko.
"What is the six types of Self-concept?"
Agad naman akong napatingin sa batang to. Anong pinagsasabi nito?
"Psychology student ka diba? Paniguradong alam mo yung mga yon." Sabi ni Zaijian habang nakatingin pa din sa aming tv.
"Wag mo nga akong pinagtatanong sa bagay na yan, Zaijian." Etong bata na to ang daming alam, aba malay ko ba dyan sa six types kineme na yan? Hindi naman ako nakikinig sa Understanding The Self subject namin.
Agad naman lumingon sakin si Zaijian at bahagyang tinaas ang isang kilay nito. "Niloloko mo ba ako ate? Hindi mo alam yon? Hindi ka nanaman nakikinig sa professor mo noh?" Sabi nito sakin habang ginagamit ang tonong madalas na ginagamit sakin ni mama tuwing nagagalit sya sakin.
"Ay? Required pala makinig?" Pang iinis na tanong ko sakanya.
Kahit ganto lang kasi tong si Zaijian ay matalino itong bata na to. Simula nag umpisa sya mag aral ay palagi syang with honors sa eskwelahan nila at nakakapag uwi ng madaming medalya at certificate. Palagi din mataas sa mga quiz, exam and activities nya.
And, I can't relate.
Pinaka-mataas kong grades ay 81, at ang pinaka-mababa ay 76, oh ano ngayon? At least pasado.
Tapos ang taas pa ng pangarap ko na mag doctor, minsan talaga hindi ko maintindihan sarili ko.
Tumunog yung cellphone ko at dali-dali kong kinuha dahil baka si Janella na iyon. Laking dismaya ko naman nung makita ko na si Joshua at Mac lang pala.
CHEESE BAKED MAC-ARONI.
[Joshua ng buhay ni Julia: Gala tayo!!]
Washing Mac-hine: Tara! Bored din ako [ngayon.]Ayan nanaman yung mga gala kong kaibigan, wala nanaman tong magawa si Joshua sa bahay nila.
[Washing Mac-hine: Kain tayo sa Cabalen.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Oh narinig mo Jane, libre daw ni Mac.]Kahit kelan talaga tong si Joshua napaka-kuripot samantalang, kumpara samin tatlo nila Mac, sya ang mas nakakaangat sa buhay.
[Washing Mac-hine: Tanga, nag-type ako, message to. Hindi nya ako naririnig.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Tanga ka din. Basta libre mo, daming pang kinemerot.]
[Washing Mac-hine: Libre ko. Mag confess ka muna kay Julia.]
[Joshua ng buhay ni Julia: Sabihin mo muna reason bakit wala ka pang girlfriend? Baka bet mo talaga ako.]
[Washing Mac-hine: Asim mo. Isa lang bakla dito.]Natawa naman ako sa sinabi ni Joshua. Siraulo talaga yon kahit kelan. Pero eto naman kasing si Mac, hindi pa talaga nagkakaroon ng girlfriend.
Sabi nya nung nasa high school palang kami ay may nagugustuhan na daw sya, nung tinanong naman namin sya at sabihin samin kung sino sabi nya hindi nya daw kilala, nakita nya lang daw yon sa convenience store nung nagpa-part time job pa sya, at simula daw noon ayun na ang gusto nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/323177954-288-k564036.jpg)
YOU ARE READING
Untold Pain
Fiksi PenggemarThe world were cruel. The destiny were against us. Those thread of fates I want to end. Those pains and sufferings that were untold. This love that I can't seem to understand, were turned into anger and hatred.