Chapter 3

627 42 9
                                    

Jane's POV.

9:15pm na ng makarating ako sa bahay namin medyo traffic kasi. Naabutan ko sila mama at lola na nag aayos ng hapag kainan. Gabi na masyado hindi pa din sila kumakain, sila mama talaga hinintay pa ako.

"Ma, lola. Dapat po kumain na kayo." Sabi ko habang nagmamano sakanilang dalawa. Inikot ko naman ang paningin ko at nakita kong wala si Zaijian, nasaan nanaman kaya yung batang yon.

"Hinintay ka talaga namin para naman sabay-sabay na tayo makakain." Sabi ni lola, ngumiti naman ako sakanya, kahit kelan talaga tong so lola napaka-sweet. "Nasaan po si Zaijian?" Bago pa makapagsalita si mama ay nakita ko nang bumaba yung kapatid ko, napangiti naman sya nung makita nya ako.

"Ate nandito ka na pala." Umiling naman ako. "Hindi, wala pa." Sumimangot naman yung mukha nya at may sasabihin pa sana ng sabihan na kami ni mama na maupo na at kakain na kami.

Naupo naman ako sa tabi ni lola habang si Zaijian ay umupo sa tabi ni mama. Nagdasal muna kami bago kami kumain, nakasanayan na kasi namin na magdasal bago kumain, pasasalamat na din kay Lord na may pagkain kami araw-araw at healthy din. Ngayon na lang din kasi namin makakasama si mama kumain sa hapag-kainan dahil nga walong taon syang nanatili sa Dubai.

"Kamusta naman ang eskwela nyong dalawa?" Tanong samin ni mama. Tumingin naman ako kay Zaijian, hinayaan ko muna sya yung magkwento dahil may pagkadaldal itong bata na to.

"Okay naman po ma, alam mo naman matalino ako at nakikinig sa teacher ko." Bahagya naman syang tumingin sakin at tumawa. Loko to ha. "Sinasabi mo bang hindi ako nakikinig sa teacher ko ha?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Eh bakit ate? Totoo naman."

"Nakikinig ako!" Tumingin naman sakin si mama na parang jinu-judge buong pagkatao ko, habang si lola ay pinipigilan ang pagtawa. "Minsan. At least nakikinig ako minsan." Yumuko nalang ako at kumain, wala talaga akong kakampi dito eh, pahamak din to si Zaijian kahit kelan.

"Ayusin nyo ang pag aaral nyo ha. At siguraduhin nyong makaka-graduate kayo." Sabi ni mama. Alam ko naman yon. At gusto ko din talaga makapagtapos, dahil ayun yung pangako ko sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako nung maalala ko nanaman sya.

Damn.
I miss her.

~~

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng plato para makapagpahinga na si mama at lola, at para din makagawa ng assignment nya si Zaijian. Pagkatapos ko naman maghugas ay agad akong nag half bath at pumasok na din sa kwarto ko para makapagpahinga na.

I can't help but to think of her. I wonder what would happen in my life if she was still here.

It's been 5 years, pero yung sakit nandito pa din. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kailangan mangyari sakanya yon. Bakit sya pa yung kailangan mawala? Bakit sya pa yung kailangan maaksidente?

Hihiga na sana ako ng tumunog yung cellphone ko, kinuha ko ito at nakita kong may nagtext sakin.

UNKNOWN
[I'll pick you up at 8am. Send me your address.]

Alam ko na kaagad kung sino to, pati ba naman sa pagta-type ang demanding ng babaeng to. I send her my address and set her contact name to 'masungit everyday'

What? Masungit naman talaga sya palagi. Inborn na ata pagiging masungit nya.

Masungit everyday.
[You should be ready before 8am. Someone will pick you up, 8am sharp.]

I rolled my eyes when I saw her message. Kapag ako nainis dito 8am din ako mag aasikaso.

[I know. Wag kang paulit-ulit. Sumusunod naman ako sa usapan.]

Untold PainWhere stories live. Discover now