"Get up, love," malambing na sabi nito.
"Carry me," sabi ko, sabay pout. Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa saka binuhat ako. I clung to his neck with my hands.
"My wife is being clingy today. Missing me so much, huh?" he said, with a small smile on his face.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at sinandal ko ang aking ulo sa kanya. Pagbaba namin ay dahan-dahan niya akong pinaupo. Just like before, he made coffee for me.
"Nagluto ka?" tanong ko rito nang makita may nakahandang pagkain.
"Of course, for my lovely wife." He then winked. Lumapit ito sa akin at hinalikan ang tungki ng aking ilong. "Here's your coffee, love." Sabay bigay sa kape na ginawa niya.
"Thank you, love," nakangiting sabi ko. "Wait, kailan ka umuwi? Akala ko two weeks pa?" nagtatakang tanong ko rito. Mabuti na lang pala at nagyaya ako kay Mal na umuwi na, kung hindi baka magtaka ito at wala itong maabutan sa bahay.
"Kanina lang," sagot nito.
"Wait... so wala ka pang tulog o pahinga?" nag-alalang tanong ko. Baka magkasakit ito dahil masyado pinapagod ang sarili.
"Don't worry, love. Magpapahinga ako after natin kumain. Gusto lang kita makasabay kumain at ipagluto ng breakfast." My husband is so sweet. Kahit pagod ito sa flight ay inuna pa nitong ipagluto ako, kaya mas lalo akong nai-inlove sa kanya.
"I love you, love," I muttered and leaned in to kiss him. How lucky I am that God gave me a great husband!
Nagsimula na kaming kumain at paminsan-minsan ay sinusubuan ako nito. Kaya napapangiti na lang ako.
"Bakit ka nakauwi agad?" tanong ko rito. Hindi niya sinagot ang tanong ko kanina, kaya binalik ko na lang.
"Oh... something happened. I need to go back here for our business," he answered. Lumapit ito upang punasan ang gilid ng aking labi na may pagkain.
"Did your investor sign the contract?" I asked.
"Yes, of course. Asawa mo lang 'to," nakangising sabi nito kaya inirapan ko ito, yabang din kasi minsan. Pero ang asawa ko lang ang matatanggap ko na mayabang sa mundong ito, dahil may ipinagmamayabang naman talaga.
"Let's have a dinner date later," I suggested. I miss spending time with him. I also need to take a breath after our transactions in Hong Kong. I will let Mal manage some of our transactions here.
"Sure, I like that," pagsang-ayon nito, kaya napangiti ako.
Matapos naming kumain ay kaming dalawa ang naghugas ng kinainan namin. Pagkatapos ay nanood kami ng movie sa Netflix. Nakasandal ako sa aking asawa, habang hawak ko ang isang bowl na popcorn.
"Look at the man in the movie, love," natatawang sabi ko, mukha kasing tanga iyong bida na lalaki. Napatingin naman ako kay Raven nang hindi ito sumasagot. Doon ko nakitang nakatulog na pala ito.
He looks so tired, but he still chooses to spend time with me. Sinabihan ko siyang matulog muna, pero ayaw talaga nito dahil gusto niya akong samahan. Tumayo ako at nilagay ang hawak na popcorn sa may mesa. Umakyat muna ako sa taas upang kumuha ng kumot. Pagbaba ko ay inayos ko muna ang kanyang pagkakahiga upang hindi sumakit ang kanyang likod. Nilagyan ko din siya ng unan at kinumutan.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kanya. Pero kahit ganoon ay hindi ako magsasawa sa mukha nito. My husband is so handsome and has a perfect-shaped face. Sigurado akong maraming babae ang gusto siya makuha, pero sorry na lang sila at naunahan ko na. I don't want to share what is mine. Baka malamig na bangkay na sila bago nila maagaw ang asawa ko.

BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
General FictionFor over eight years, Raven and Freyja have shared a quiet, seemingly perfect marriage - built on love, routine, and the comfort of ordinary life. He believes she's a refined businesswoman, running a quaint jewelry shop. She thinks he's a dedicated...