Chapter 32

2.2K 32 0
                                    


Huminga ako ng malalim at tiniis ang sakit at kirot na aking nararamdam. Pilit akong tumayo at tiningnan si Raven, na halatang hindi makapagsalita dahil sa nangyari.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung makita mo iyong dating asawa mo sa ganitong pangyayari? 'Di ba mapapatanong ka talaga kung bakit?

Ilang taon na ba ang nakalipas simula noong inakala ng lahat na patay na ako? Sobrang tagal na. Kaya hindi ako magtataka kung mukha itong nakakita ng multo nang makita ako. Kahit sino naman talagang nakakakilala sa akin at makita ako ay ganyan din ang maging reaksyon. Pero bakit sa ganito pa kami nagkita?

Sucks.

Fucking life.

Full of bullshit.

Ganito ba talaga kagalit sa akin ang mundo para mangyari ito sa akin? Ang taong lubos na minahal ko noon ay nasa harapan ko.

Tang ina! Ito rin ang sumaksak sa akin ngayon. Nice one! I love you na talaga, tadhana. Hindi ka naman mapanakit, 'no? Ang bait mo sa akin.

Hays.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan. Basta ang alam ko lang ay mabilis ko siyang tinulak dahil nakita ko si Mal na babarilin niya ito.

"Fuck!" malakas na mura ni Mal dahil sa aking ginawa.

Mabilis kong nilapitan si Raven dahil sa ginawa ko, kaya ako ang natamaan ngayon.

Putang ina! Ano na namang kagagahan itong ginawa ko? Feeling superhero sa ex-husband ko. Bullshit!

Inalayan ako ni Mal at naglakad papunta sa motor nito. Hindi ko nilingon si Raven. Hindi ko na inalam kung ano ang nangyari dito. Sigurado naman akong okay lang ito dahil ako itong nagpaka-bulletproof para sa kanya.

"Tang ina, Freyja! Ano 'yon!?" naiinis na singhal ni Mal nang sumakay ito sa motor. Inalalayan naman ako nitong makasakay.

Alam kong pinipigilan lang nito ang sarili dahil sobra itong galit sa ginawa ko. Sino naman hindi magagalit, 'di ba? Iyong nag-feeling superhero ka sa sumaksak sa 'yo?

"Freyja..." Hindi naman ako makagalaw ulit dahil sa boses na iyon. Nilingon ako ni Mal at ang mga mata nito ay nagtatanong. Alam ko na agad nasa isip nito. Ako pa? Halos kasama ko na ito buong buhay. Kilala ko na pinsan ko.

"Umalis na tayo, Mal," malamig kong sabi. Mabuti na lang at naintindihan ako nito at mabilis na pinaharurot ang motor.

Buong biyahe ay tulala ako at kung saan-saan na napupunta ang isip ko. Maraming katanungan na hindi ko naman alam kung ano ang tamang sagot.

Hanggang makarating kami sa aming tinutuluyan ay tulala pa rin ako. May tinawagan si Mal at ilang oras lang ay dumating na iyong babaeng doktor na gagamot sa aking mga sugat.

Sugatan na ako, pero wala akong pakialam dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Hindi ko man lang namalayan na nagamot na pala ako nito.

"Kailangan ko ang paliwanang mo." Napatingin ako kay Mal at nakataas na ang kilay nito habang hinihintay ang aking sasabihin.

Napatingin ako sa paligid. Wala na ang doktor. Mukhang nakaalis na ito, nang hindi ko man lang namamalayan. Ganoon na ba ako kalalim mag-isip? Hindi ko na napapansin ang mga bagay sa aking paligid.

"Freyja, come back to earth. Yohooo!" malakas na sabi nito, kaya napakunot ang noo ko dahil sa ingay.

"Bakit mo iyon ginawa? Bakit ka kilala no'n? Sino 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Mal.

"Si Raven..." maikling sagot ko, Narinig ko ang pagsinghap ni Mal dahil sa sinabi ko. O, 'di ba, kahit siya nagulat. Ano pa kaya ako?

"Fucking bullshit! Sure ka? Baka naman na miss mo lan—"

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon