Chapter 41

2.3K 37 3
                                    

Buong biyahe namin paalis sa isla ay sobrang tahimik ni Raven. Nakatingin lang ito sa karagatan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito. Natatakot naman akong lapitan siya. Alam ko naman na may kasalanan ako. Tinago ko na may anak kami. Pero masisisi niya ba ako kung gusto ko lang protektahan ang anak ko sa pweding makasakit sa kanya? Ayaw kong makihati siya sa pagmamahal sa kanyang ama dahil may iba itong pamilya.

Alam kong marami akong nagawang mali sa nakaraan, pagpaniwala sa lahat na patay na ako, at paglihim sa anak namin. Pero may kasalanan din siya, kaya kami umabot sa ganito. Ayaw ko na ring magsisihan kami sa mga mali namin nagawa. Hindi naman ako malinis sa buong walong taon namin pagsasama, tinago ko rin ang tunay kong pagkatao.

Tanging nais ko lang ngayon ay mailigtas ang anak ko. I want to hug her. Buong taon ay tanging hanggang tingin lang ako mula sa malayo. Ang huli kong hawak sa kanya ay sanggol pa siya.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Mal at nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Don't worry, I'm fine." Pilit akong ngumiti.

"Tss... huwag ka ngang ganyan. Halaka! Halata kaya na hindi ka okay. Umiiyak ka nga, oh." Mabilis naman akong napahawak sa aking pisngi at naramdamang basa ito. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

"I'm always here for you. Don't worry, maliligtas din natin ang anak mo," pampalakas-loob nito sa akin. "Saka, sorry pala... nalaman tuloy ng dati mong asawa na may anak kayo. Sorry naman... nadala lang ako. Akala ko kasi ay okay na kayo. Iyong muling ibalik ang tamis ng pagmamahalan na." Nakasimangot na sabi nito sabay kamot sa ulo.

"Uy, sorry talaga, ah?" ulit nito.

"It's okay. Nangyari na iyon. Siguro panahon na rin. Hindi ko man alam kung bakit muling pinagtagpo ang landas namin pagkatapos ng mahabang panahon, pero kailangan din malaman ng anak ko kung sino ang ama niya. Siguro panahon na para magpakilala ako rito," malungkot kong sabi at sumandal kay Mal.

"I'm scared, Mal. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari sa anak ko. Baka hindi na ako mabigyan ng pagkakataong sabihin sa kanya na ako ang ina niya." Hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak habang naiisip ito. Niyakap naman ako ni Mal nang mahigpit.

"Huwag nega, 'no. Dapat positive vibes lang. Maliligtas natin ang anak mo."

Hindi ko naman mapigilan mapatingin sa kinaroroonan ni Raven. Nagulat ako nang makitang nakatingin ito sa direksyon namin. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha at mga mata nito. Sobrang lamig ng bawat tingin nito. Alam kong galit ito sa akin. Hindi ko naman siya masisisi.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tingnan ang malalamig nitong mga mata. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito. Hinayaan ko na lang na tumakbo ang oras hanggang sa makarating kami sa bahay.

Nauna kaming naglakad ni Mal papasok, habang tahimik lang na nakasunod si Raven. Hindi na rin ako nag-abalang lingunin ito.

Pumasok kami sa isang kwarto, kung saan ang lungga ni Mal. Dito siya nagtatrabaho at hinahanap ang mga lokasyon ng mga kailangan namin. Umupo agad ito sa kanyang paboritong upuan at nagsimula na sa pagpipindot sa kanyang laptop.

Nakatayo lang ako habang nakatingin kay Mal na sobrang abala. Minsan lumilipat ito sa kabilang computer o sa malaking monitor. Hindi ko alam kung anong mga code ang kanyang mga pinaggagamit. Tanging tunog lang ng keyboard ang aking naririnig.

Napatingin naman ako kay Raven na nakasandal sa may pintuan habang ang mga kamay ay nasa bulsa nito. Nakapikit ang mga mata nito. Hindi ko alam kung natutulog ba siya.

"Got cha!" malakas na sabi ni Mal. Napamulat naman si Raven at umayos ng tayo. Lumapit naman ako kay Mal na mukhang tuwang-tuwa ito.

"Alam mo na?" Para akong nabuhayan ng loob dahil sa reaksyon ni Mal.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon