Chapter 30

2.4K 37 0
                                        

Hello! Happy New Year, everyone. Keep safe always.

-Hime


****

"Are you sure about your decision, Frey?" Nilingon ko sandali si Mal at mapait na ngumiti.

"May magagawa ba ako?" mapakla kong sabi sabay balik ng tingin kung saan karga-karga ni Zavena ang anak ko. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang nangyari ang barilan. Hindi naman ako nagsisisi sa aking ginawa. Kung hindi ako bumalik doon ay baka wala na si Mal.

Naabutan ko siyang may tama na ng mga bala at nanghihina na ito dahil sa maraming dugo na nawala. Pero pilit pa rin itong nakikipaglaban. Alam ko sa sitwasyon namin ni Mal noon ay mahirapan na kaming tumakbo o tumakas, kaya hinarap na lang namin ang kalaban habang naghihintay sa aming mga tauhan na tinawagan ni Mal.

Tanging nasa isip ko lang noong araw na iyon ay dapat hindi ako mamatay. May anak pa akong naghihintay sa akin para alagaan ko. Kailangan ko pang tuparin iyong sinabi ko sa kanya na babalikan ko siya. Kailangan ko pa siyang makuha ulit. Iyan lang ang nasa isip ko habang nakikipagbarilan sa mga kalaban namin.

Labis ang takot ko noon, hindi para sa aking sarili, kung hindi sa isip ko na hindi ko na makikita si Simone kapag may mangyari sa akin. Tanging hiling ko lang noong araw na iyon ay matapos at makaalis kami ni Mal sa lugar na iyon.

Dumating ang mga tauhan namin, kaya naubos iyong kalaban namin. Hindi ko rin napansin na may tama na pala ako no'n. Pero mas malala si Mal, kaya agad namin siyang dinala sa hospital upang magamot. Ilang araw rin kaming nandoon hanggang sa makalabas siya ngayong araw na ito dahil mapilit siya. Ayaw niyang tumagal sa lugar na iyon dahil sumasakit ulo niya sa amoy ng mga gamot.

Habang nasa hospital si Mal at binabantayan ko ay pinahanap ko si Zavena. Inalam ko ang pagkatao nito. Hindi naman ito mahirap sa akin dahil sanay na ako at may magaling akong tauhan na inutusan. Tauhan ko labas sa organisasyon dahil delikado kapag nalaman nilang may anak ako. Ayaw kong gamitin nila si Simone laban sa akin, mahihirapan ako basta kasali na ang anak ko.

"Dalawa naman tayong magproprotekta sa kanya, Frey," malungkot na sabi nito. Pero umiling lang ako.

Buo na desisyon ang ko. Ilang araw ko itong pinag-isipan habang nasa ospital kami.

"Masakit man, Mal, pero kailangan, para sa kaligtasan ng anak ko." Pinigilan ko ang aking sariling maiyak.

Mahirap para sa akin na mawalay ang aking anak. Hindi ito ang plano ko para sa aming dalawa. Pero ito ang tama na alam ko, para sa kaligtasan niya.

Kaya kong tiisin lahat para sa anak ko. Kahit ang sakit na mawalay siya sa akin. Kahit araw-araw ay mararamdaman kong may kulang sa akin.

Matapos kong malaman ang nangyari sa organisayon, naisip kong hindi ligtas ang anak ko kapag nasa kamay ko siya. Masakit para sa akin, dahil tulad ngayon ay nakatanaw lang ako sa malayo habang karga-karga siya. Hanggang tingin lang ako at hindi ko man lang siya mahawakan.

Kung alam ko lang na una at huling karga ko na pala iyon ay sana sinulit ko. Masakit sa akin dahil nakahanda na ang mga gamit niya sa bahay. Excited pa naman akong bantayan siya at patulugin. Hindi ko maipaliwanag ang tuwa ko noon na iuwi siya sa bahay. Pero hanggang pangarap lang talaga iyon. Hindi ko kayang ibuwis ang buhay nito para lang sa kagustuhan ko. Kaya kong magtiis para sa anak ko.

Naisipan kong hayaan muna siya sa pangangalaga ni Zavena dahil ligtas siya roon. Kailangan ko munang asikasuhin at ayusin ang gulo ng organisayon, bago ko siya kunin ulit. Nagbabaka sakali na mapadali iyong pag-ayos ko sa organisasyon para makapiling ko na ulit ito.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon