Chapter 11

2.1K 29 1
                                    

"Welcome home, love!" Raven said with a wide smile. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.

Kailan pa siya umuwi? Bakit hindi man lang niya ako sinabihan?

"Your home?" tanong ko sa kanya.

"Yes." Lumapit ito sa akin sabay yakap at pinaulanan ako ng halik. "Kaninang umaga lang. Kagigising ko lang din, nakatulog ako sa sobrang pagod," paliwanag nito.

Mabuti na rin pala at umuwi kami ni Mal matapos iyong nangyari sa paglusob namin. Wala na kaming nagawa dahil naunahan kami ng mga Nostra. Nalaman din ng source namin na lumipad sa Singapore si Menesis upang humingi ng tulong sa mga kasamahan doon. Kaya tinawagan na lang namin ang miyembro namin sa Singapore upang sila na ang bahala rito.

Si Catalina naman at kapatid nito ay nasa hospital. Nag-aagaw buhay ang kapatid ni Catalina dahil sa natamong tama ng bala. Kilala ko si Catalina, wala itong sinasanto, lalo't kapatid nito ang nasa bingit ng kamatayan. Kaya magtago na lang talaga si Menesis.

"How's Spain?" Nakangiting sabi nito at kinuha ang gamit na dala ko. Umakyat kami sa taas at nagtungo sa aming kwarto.

"So far, so good," matamlay na sagot ko. Sobrang napagod ako. Ilang araw rin akong walang pahinga.

"Tired?" Tumango lang ako. Pinaupo ako nito sa kama at hinubad nito ang suot kong sapatos. "Take a rest now. Allow me to do this."

Matapos mahubad ang sapatos ay tumayo ito at nilagay sa lagayan. Nakatingin lang ako ako sa kanyang ginagawa. Pumunta ito sa closet at kumuha ng damit.

Dahan-dahan nitong inalis ang shirt na suot ko at sinuotan ako ng mas komportable na white shirt. Hinayaan ko lang itong bihisan ako. Tinatamad talaga akong kumilos. Ngayon ko pa naramdaman iyong lahat ng pagod ko mula noong pumunta ako sa Spain hanggang sa Italy.

"Ipagluluto muna kita," ani nito sabay halik sa aking noo at lumabas nasa aming kwarto. Nahiga na ako sa kama at inabot ang unan ni Raven bago ipinikit ang mata hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako nang maramdamang may humalik sa aking noo. Unti-unti kong iminulat ang aking mata, at doon ko nakita ang gwapo kong asawa. Inabot ko ito upang yakapin saka sumiksik dito. I really miss him. I miss his scent. I miss cuddling with him. Ilang araw ko ring hindi ito nakasama.

"Kain na," malambing na sabi nito, habang hinahaplos ang aking buhok.

"Carry me," I whispered like a baby.

"You miss me a lot, huh?" ani nito at mabilis akong hinalikan, tapos binuhat ako ng walang kahirap-hirap na parang bagong kasal. Sumandal lang ako sa kanya. Dahan-dahan ako nitong binaba sa upuan at inihanda iyong pagkain.

"Feed me," nakangiting sabi ko at nag-puppy eyes. Hindi naman umangal si Raven, napailing lang ito saka nagsimula akong subuan.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng kinainan namin. Hindi naman pweding iasa ko lahat kay Raven. Alam ko rin kasi na pagod ito. Sabay na kami umakyat sa taas at nagtungo sa kwarto.

Nakita ko si Raven na kinuha ang laptop at sobrang abala ito. Dahil nami-miss ko ang aking asawa ay tumayo ako at lumapit dito sabay upo sa kanyang hita at yumakap sa kanya. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa at hinalikan ang aking noo saka bumalik sa kanyang trabaho.

Hindi ko mabilang kung ilang oras kami sa ganoon na posisyon. Hindi naman ako pinaalis ni Raven. Nang matapos nito ang trabaho ay kinarga ako nito papunta sa aming kama. Dahan-dahan naman akong binaba nito at humiga na rin ito sa kama. Nang patayin nito ang ilaw ay sumiksik ako sa kanya sabay yakap.

"Good night, love," mahinang sabi nito at hinalikan ang aking noo. "I love you."

"I love you too." Niyakap ko ito nang mahigpit at pinikit ang aking mata upang makatulog.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon