Chapter 8

2.5K 32 1
                                    

"Damn! Paano nalaman ng mga kalaban ang katauhan ko?" Napahilamos ako sa aking mga palad. "Naging maingat naman ako, Mal!" Hindi na ako mapakali at panay na lang ang lakad at ikot ko.

"Calm down, Freyja. Nahihilo ako sa iyo. Pwede ba, umupo ka muna," naiiritang sabi ni Mal.

Pagkatapos noong nangyari ay tinawagan ko agad si Mal upang puntahan ako sa hospital. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kanina nang makita kong duguan si Raven. Para akong nawala sa aking sarili. Mabuti na lang at may tumulong agad sa amin upang madala ang aking asawa sa hospital. Inasikaso naman agad ito ng mga nurse at doctor.

"Paano ako kakalma? Mal, nadadamay na ang asawa ko! Fuck! Ito na ang kinatatakutan ko, Mal. Iyong madadamay ko si Raven sa buhay ko." Hindi ko pa rin mapigilan iyong emosyon ko. Kung ako lang ang nasasaktan ay okay lang sa akin, pero nadadamay kasi si Raven.

"Relax lang! Inaalam ko pa kung sino iyong umatake sa inyo. Baka hindi naman talaga kalaban natin iyong gumawa at nagkataon lang iyong nangyari sa inyo. Hindi naman talaga kayo ang target," ani ni Mal. Pero hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang posibilidad. Parang ang hirap naman paniwalaan na nagkataon lang.

Sa kilos ng mga taong umatake sa amin ay halatang kami talaga ang target nito. Ang ipinagtataka ko ay bakit iyong asawa ko talaga ang gusto nilang patayin?

"I need an update immediately, Mal. Kailangan kong malaman kung sino iyong mga hayop na gumawa sa amin no'n," mautoridad kong utos kay Mal. Tumango lang ito at may tinawagan sa kanyang cellphone.

Iniwan ko muna ito at pumunta sa kwarto ng aking asawa. Pagbukas ko sa pintuan ay agad kong nakita si Raven na payapang natutulog sa hospital bed. Lumapit ako sa kanya sabay haplos sa mukha nito.

Mabuti na lang talaga at hindi gaanong malala ang nangyari sa kanya. Baka hindi ko alam ang aking gagawin kapag may nangyaring masama sa kanya.

"I'm sorry, love. Nadamay ka pa sa magulo kong buhay." Hindi ko mapigilang mapaiyak. Dumating na iyong kintatakutan ko.

Mabilis ko namang pinunasan iyong mga luha ko nang makitang gumalaw si Raven. Unti-unti nitong minulat ang mata at tatayo na sana ito nang makita ako.

"Love, huwag ka gumalaw, baka dumugo ang sugat mo," pigil ko sa kanya. Hinawakan nito ang aking kamay at tumingin sa akin.

"Nasugatan ka ba? May galos ka ba? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod na tanong nito at halata sa boses nito ang pag-alala.

"I'm okay, love. Ikaw iyong natamaan ng bala. Pinag-alala mo ako," mahina kong sabi at umupo sa gilid ng kama nito at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi, kaya inabot nito ang aking pisngi at pinunasa ang aking luha gamit ang kanyang mga daliri.

"Don't cry, sweetheart. I hate seeing you cry," mahinang wika nito.

"I am so scared, love. Akala ko napano ka na. Hindi ko kayang mawala ka," humihikbi kong sabi.

"I'm okay, love. Don't worry about me. Hindi ako mawawala," pampakalma nito sa akin. Pilit itong bumangon at yumakap sa akin. "Shhhh... crybaby naman itong asawa ko. Tahan na." Hinimas nito ang aking likuran upang patahanin ako.

Napatigil lang ako sa pag-iyak nang bumukas ang pinto. Pumasok ang doctor ni Raven at ang kasama nitong nurse. May mga pinaalala lang ito sa amin na mga bawal gawin pa ni Raven upang hindi dumugo ang kanyang sugat. Pwede na kaming lumabas, kaya nagpaalam muna ako upang asikasuhin iyong bill.

Nakita ko naman agad si Mal na nakasandal sa dingding at mukhang inip na inip na.

"Salamat naman at lumabas ka. Balak mo yata akong ipaubos sa mga lamok dito." Inirapan ako nito bago lapit sa akin.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon