Tatlong beses yatang tumawag iyong Beatrice hanggang sa patayin na lang ni Raven ang kanyang cellphone. Gusto kong magtanong kung sino ito. Bakit parang narinig ko na iyong pangalan na iyon? Gusto ko malaman kung bakit hindi niya sinasagot, pero ayaw kong sirain iyong moment namin ngayon.
Hanggang sa pag-uwi namin ay iyon ang laman ng aking isipan. Tahimik ko lang na pinagmasdan ang dinadaanan namin habang seryoso namang nakatingin si Raven sa daan. Pagdating namin sa bahay ay nag-shower muna si Raven. Ako naman ay kating-kati na ang kamay na tignan iyong cellphone niya. But I respect his privacy, as he does mine. We are married, but we have privacy in our personal lives.
"Tang ina naman! Tama na, Freyja, hindi ka imbestigador!" mahinang asik ko at binatukan ang sarili. Mukha na akong ewan talaga. "Kainis naman kasi!" Napahilamos ako sa aking palad.
"Hey! Problem?" Napalingon ako at nakita ko si Raven na kalalabas lang sa banyo, nakapagpalit na rin ito ng damit. Nginitian ko ito at umiling.
"Are you sure? Is there something bothering you?" nag-alalang sabi nito sabay lapit sa akin.
"I'm fine, love. I'm just tired, and I need to take a shower to refresh," mahinahong sabi ko at pumasok na sa banyo. Napasandal naman ako agad sa pintuan nang ma-lock ko ito.
"Sana tinanong mo na lang. Argh!" Napasabunot ako sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim sabay hubad ng aking kasuotan at hinayaan ang tubig na dumaloy sa aking katawan. Ilang oras yata ako sa banyo at mukhang tanga dahil kung saan na lumilipad ang aking isipan.
"He loves me. He's never cheated on me," kumbinsi ko sa aking sarili at lumabas sa banyo.
"What took you so long?" Nakakunot ang noo ni Raven habang nakatingin sa akin. May hawak itong libro na mukhang kanina pa niya binabasa. He looks so good in his eyeglasses. Mas lalong naging hot siya. "Hey."
Tumikhim ako at umupo sabay harap sa salamin at inabot ang hair dryer. "Hindi ko namalayan ang oras, napasarap ang pag-shower ko," sagot ko sa kanya.
Nakita ko sa salamin na tumayo ito at nilagay sa kama ang libro saka lumapit sa akin. Kinuha nito ang hawak kong hair dryer at hinalikan ang leeg ko. I was so shocked that my entire body shivered.
"Let me do this," he said in a low, husky voice.
Ito na ang nagtuyo sa aking buhok at naglagay ng lotion sa akin. Matapos nito ay nahiga na kami sa kama.
"Good night, love." He then kissed me on the lips and hugged me tightly.
"Good night," sabi ko rito sabay siksik sa kanya.
Kinaumagahan ay gumising ako na wala na si Raven sa aking tabi. Bumangon ako at nagtungo sa banyo saka naghilamos. Nagsuklay muna ako bago ako bumaba.
Pumunta ako sa kusina upang magluto, pero nakita ko si Raven na nakasuot ng apron habang abala sa pagluluto.
"Good morning, love!" masigla kong bati sabay lapit dito at humalik.
"Good morning, my love. Wait a minute; I'll finish our breakfast. Just sit there," nakangiting sabi nito. Tumango lang ako at kumuha ng freshmilk sa refrigerator, saka nilagay ito sa baso. Naupo ako habang iniinom at pinagmasdan ko si Raven. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmasdan siya.
Sinong mag-aakala na iyong isa sa pinakamayaman at masungit na tao dito sa mundo ay tagaluto ko lang ng umagahan. Kung alam lang ng mga empleyado niya ito, sigurado akong magugulat sila. Ibang-iba ang Raven na nakikita nila sa opisina.
"Here is your breakfast, wife." He then placed the food on the table and kissed me on the lips. "Ihahatid na rin kita sa shop. I must first prepare." Hinubad nito ang suot na apron saka umalis.
BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
Ficção GeralRaven and Freyja have been married for over eight years. Unbeknownst to them, they have their own secrets that they keep from each other. Raven thought his wife was just a simple business woman who owned a jewelry shop. Freyja knew her husband the s...