Chapter 10

2.4K 22 0
                                    

"Fuck this life!" mura ko habang naglakad sa maputik na lugar. Nadudumihan tuloy itong Gucci leather ankle boots ko rito.

Dahan-dahan akong naglakad habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking baril. Tang ina! Ang baho pa ng amoy ng lugar na ito.

"Shut up, R! Hindi lang ikaw ang nandidiri sa lugar na ito. Kaya manahimik ka at baka naman malaman ng mga kalaban natin na nandito na tayo. At mapilitan tayong gumulong sa madumi at mabahong putik na ito. Kadiri! Kawawa iyong Prada ko!" naiiratang sabi ni Mal. Napailing na lang ako at dahan-dahang naglakad.

Nang may makita akong lumang pintuan ay dahan-dahan ko itong binuksan. Bumugad sa akin ang malakas na sigaw at iyak ng isang babae.

"Per favore, ti prego," umiiyak na sabi nito. Nagmamakaawa ito. "Per favore, lasciami andare!" Nakarinig lang kami ng tawanan ng mga kalalakihan. "No... n-no... no... p-please..." Palakas nang palakas ang iyak ng babae.

Tiningnan ko si Mal at nagbigay ako ng signal. Naririndi na ako sa iyak ng babae. Ayaw kong nakakarinig ng iyak ng mga babae.

"Bibilang ako ng tatlo," mahina kong sabi at tumango lang si Mal. Tinaas ko ang aking kamay sabay bilang, "One, two, three!" Malakas kong tinadyakan ang lumang pintuan at tumambad sa amin ang sampung lalaki at isang babae.

Umiiyak ang babae habang punit-punit na ang damit nito. Magulo na rin ang buhok nito.

Naiinis ako sa aking nakikita. Sino sila para gawin ito sa isang babae na walang laban?

"Who are you?" sigaw ng lalaki sabay tutok sa amin ng baril.

Tang ina! Ang kapal ng mukha niya para tutukan kami ngh baril!

"Oh! What a lucky day for you, boss. We don't need to share this girl. They look absolutely delicious," sabi ng isa sabay tingin sa amin.

Punyeta! nakakadiri!

"Bullshit, asshole!" malutong na mura ko sabay paputok ng baril. Naging alerto naman ang mga lalaki at nagtago ang mga ito sabay paputok sa amin. Habang ang babae ay takot na takot.

"Cover me!" utos ko kay Mal at mabilis na gumulong sa kinaroroonan ng mga babae. Sa bawat gulong ko ay nagpaputok rin ako sa mga kalaban. Tang ina! Reyna ng gulong na talaga ako.

Mabilis kong kinalagan ang babae gamit ang maliit na kutsilyo na dala ko at hinila ito upang makapagtago. Nanginginig pa ito dahil sa takot.

"Stay here!" mautoridad na utos ko. Tumango lang ang babae, kaya gumulong ulit ako upang tulungan si Mal.

"Sa likuran!" malakas na sigaw ko kay Mal. Mabilis naman itong umikot at nagpaputok ng baril. Nag-thumb ups pa ito sa akin, kaya nagpatuloy ako sa pag-asinta sa mga kalaban.

"Fuck you, motherfucker!" sigaw ni Mal at tinadtad ng bala ang huling natira. "Akala ko ba marami sila?" nagtatakang tanong ni Mal.

Iyon din ang pinagtataka ko. Hindi ba mali itong napuntahan namin? Lalapitan ko sana iyong babae nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok. Naging alerto naman kami ni Mal.

Mabilis ko pinuntahan ang babae at pagiwang-giwang akong tumakbo upang iwasan iyong bala.

Fuck! Mukhang naisahan kami. Akala namin ay tapos na, pero marami pa pala.

"Don't be scared. Just trust me. You will leave this hell," I told her, and she just nodded.

Mahigpit ko siyang hinawakan. "You have to run as fast as you can," I said. Kailangan ko siyang mailabas dito. Hindi ko siya hayaang magtago lang dahil baka matamaan siya ng bala.

"Cover me!" I shouted at Mal. Tumango lang ito sabay gulong at paputok sa mga kalaban.

Tumakbo ako habang hila-hila ang babae. Sa bawat kalaban na humaharang sa dinadaanan namin ay hindi ko hinayaan na may mabuhay isa man sa kanila.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon