Epilogue

4.3K 55 13
                                    

"Are you not mad at me?" diretso niyang tanong nang humiwalay ako mula sa yakap. Nawala ang atensyon ko sa kanyang tanong nang makita ang kanyang mukha.

Marahan ko itong hinaplos. "I'm sorry..."

Naiinis ako sa aking sarili nang makita ang napakalungkot niyang mga mata. I feel guilty for hurting him. Halata sa kanyang mga mata na wala itong maayos na tulog.

"You don't need to say sorry, love. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for what happened to your parents. I'm sorry if I can't ease your pain," saad nito.

Niyakap ko lang ulit ito nang mahigpit. Habang pauwi ako ay ito lagi ang laman ng aking isipan. He doesn't deserve my anger. Kasali nga siya roon sa organisasyon na iyon, pero wala naman siyang alam. Meron din kasi sa isipan kong naniwala ako sa sinabi ng ina nito kanina.

Kaya hihingi ako ng tulong kay Mal upang malaman ang katotohanan. Kung bakit ang Nostra Cosca ang tinuturo na pakana sa pagkamatay ng mga magulang ko. At habang inaalam ko ang totoo ay napagdesisyonan ko na ayusin ang pamilya ko. Ilang araw ko ring hindi nakita si Raven at Simone, kaya nami-miss ko sila.

Sa magulang naman ni Raven ay hindi pa ako gaanong handa na makasalamuha sila. Dahil sa aking isipan ay sila pa rin ang salarin. Kahit gusto kong maniwala sa sinabi ng ina nito kanina. Pero mahirap kasi alisin sa aking isipan, lalo't ilang taong ito ang pinaniwalaan ko.

"I miss our daughter," mahina kong sabi habang yakap-yakap ko ulit ito. Parang natatakot akong bitawan siya.

I miss him so much.

"She misses you too."

"Is she okay?" tanong ko rito.

"Yes, she is. I explained it to her, and she understood. You want me to get her?" Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti saka tumango. "Okay, I'll get her," masayang sabi nito.

"I will cook. Hihintayin ko kayo." Nginitian ko ito at saka hinalikan saglit. "Then let's talk about everything, including our wedding." Mukha pa itong hindi makapaniwala dahil sa sinabi ko. Tinapik ko ito sa balikat dahil natulala pa ito.

"Sorry, I just can't be—"

"We'll talk after you get our daughter," putol ko sa kanyang sinabi.

"Okay, I will be back. Don't go anywhere. Please, don't leave us anymore." Mukha pa itong natakot na iwan ako. Napaisip tuloy ako sa sinabi ng ina nito na wala ito lagi sa kanila. Hindi kaya nandito lang siya sa labas ng bahay, binabantayan ako kung aalis ba ako?

"I will not leave you. I will not leave our daughter. Come on, get our daughter; I miss her so much." Tumango ito, pero bago ito pumasok sa kanyang sasakyan ay niyakap at hinalikan niya muna ako.

Kumaway ako sa kanya at nang makitang nakalayo na ang sasakyan ay pumasok na ako sa loob upang makapagsimula ng magluto. Sinalubong naman ako ni Mal na nagkasalubong ang kilay.

"At saan ka galing? Pinag-alala mo ako ng 101%. Tantanda talaga ako ng maaga nito dahil sa iyo." Inirapan ako nito.

"Sa libingan nina Mommy at Daddy," sagot ko rito at nilagpasan ko.

"So, tapos ka na sa iyak era mo? Okay ka na?" tanong nito.

"I'm not sure. Mal, I just want to be with my family. Mabuti pa tulungan mo akong magluto. Pupunta sila rito." Tuluyan koi tong nilagpasan para makapagbihis na.

"Wait, sino?" Sumunod pa talaga ito sa akin.

"Si Raven at Simone."

Mabilis naman ako napatakip sa aking tenga nang tumili ito. Kaya hinarap ko ito at tiningnan ng masama. Mabilis naman nitong tinakpan ang kanyang bibig at nag-peace sign.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon