"M-Maganda," nauutal kong sabi. Ewan ko ba kung binibiro lang ako nito para mahulog sa kanyang patibong. Reese? Ayaw ko namang mag-assume na pinangalan niya sa akin ang isla na ito. Bakit naman? E matagal na kaming tapos. May iba ba siyang kakilala na Reese?
"Yeah! She is also beautiful." He looked at me and then smiled.
"She?" diretso kong tanong dito.
Tumayo ito at inalis ang buhanging dumikit sa kanya. "You are always beautiful in my eyes, Freyja. Five years may have passed, but your beauty wasn't faded. You're always beautiful in my eyes," sinabi nito bago ako iniwan.
Ano raw? Parang hindi ito pumasok sa aking utak. Binabaliw mo ba ako, Raven? Sobrang nanganganib na talaga ang buhay ko rito. Ayaw kong makita ang sarili ko tulad noon. Hindi ko hahayaan.
Huminga ako ng napakalalim saka tumayo at bumalik na sa loob. Nagtungo ako sa aking kwarto at doon nag-shower. Pagkatapos kong patuyuin ang aking buhok ay nahiga ako sa kama hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako nang maramdamang may ibang tao sa paligid. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at doon ko nakita si Raven.
Anong ginagawa niya rito?
Napataas ang aking kilay at bumangon agad ako.
"Bakit ka nandito?" mataray kong tanong.
"Time to eat." Nginitian ako nito, at parang wala lang sa kanya ang pagtataray ko.
"Talaga? Bakit hindi mo ako ginising at nakatitig ka lang d'yan. Kung hindi pa ako nagising baka ilang oras muna ako tinitigan," mahina kong sabi at kinuha ang panali sa aking buhok. Umirap ako kahit hindi ko alam kung nakikita ba niya ito.
"Ayaw kong isturbuhin ang mahimbing mong tulog, and I love staring at you," walang kahiya-hiyang sabi nito.
Tumikhim ako dahil parang may bumara sa aking lalamunan.
"Kumain na tayo," sabi ko at naunang lumabas sa kwarto.
Punyetang Raven 'yan! Mamamatay na yata ako dahil sa sakit sa puso.
Alam kong nasa likuran ko lang ito. Pero hindi ko ito nilingon dahil baka ano na naman ang lumabas sa bibig nito. Nililigtas ko lang sarili ko sa pwede kong magawa at baka mapahiya pa ako.
Tahimik kami habang kumakain at nang matapos na kami ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin kahit ayaw nito. Pero dahil mapilit ako at wala naman akong gagawin, ako ang nagwagi. Kaya nandoon si Raven, nanonood ng TV.
Matapos kong maghugas ay lumabas ako upang magpahangin sa labas. Medyo madilim na ang paligid dahil tanging ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing liwanang nito.
Naglakad ako malapit sa may bato at doon naupo habang pinagmasdan ang buwan. Naiinip na rin talaga ako rito. Gusto ko na talagang makaalis agad. Pero hindi ko alam kung papaano.
"Nandito ka lang pala." Napalingon ako at nakita si Raven na naglalakad palapit sa akin. "Ano ang iniisip mo?" tanong nito sa akin.
"Kung paano ako makakaalis ditto," diretso kong sabi. Narinig ko ang pagbuntonghininga nito, pero wala akong pakialam. Nagsasabi lang ako ng totoo, kung gaano ko kagustong makaalis dito.
"I'm sorry," mahinang sabi nito.
Minsan nakakasawa na ring marinig ang salitang sorry. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakarinig ako nito ay naiinis ako.
"Ito na naman tayo sa sorry mo. Hanggang kailan ka magsasabi ng sorry sa akin, Raven?" naiirita kong sabi. Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Hanggang sa mapatawad mo ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, Freyja. Pero kung bibigyan man ako ng pangalawang pagkakataon at mangyari ang nangyari na. Iyon pa rin ang gagawin ko, ang palayain ka," mahinang sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/320964176-288-k401230.jpg)
BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
Ficción GeneralRaven and Freyja have been married for over eight years. Unbeknownst to them, they have their own secrets that they keep from each other. Raven thought his wife was just a simple business woman who owned a jewelry shop. Freyja knew her husband the s...