Chapter 34

2.2K 37 0
                                    


Dahan-dahan akong bumangon at agad na sinuri ang paligid.

Nasaan ako? Kaninong kwarto ito? Ang huling naalala ko ay nagpaalam ako kay Martin na pumunta sa CR, tapos paglabas ko ay may tumakip sa ilong ko, na naging dahilan ng pagkawalan ko ng malay.

Tiningnan ko ang aking sarili. Wala namang nagbago sa damit ko, at ang mga kamay ko ay hindi nakatali.

Bumangon ako sa kama at naghanap ng bagay na puwede kong ipanglaban sa kung sino man ang may pakana nito. Pero tanging makakapal na libro lang ang nakikita ko.

Napabuntonghinga ako bago kumuha ng isang libro, saka dahang-dahan lumabas.

Nasaan ba ako? Mga kalaban ko ba ang may gawa nito? Pero bakit hindi nila ako tinali? Masyado na pala silang bobo para isipin na hindi ako tatakas.

Mabilis akong tumakbo nang makakita ng hagdanan at agad na bumaba. Tiningnan ko muna ang paligid. Napakatahimik dito.

Naglakad ako patungo sa pintuan.

"Raven!" gulat na sabi ko nang makita kung sino ang nasa aking harapan nang mabuksan ang pinto.

Fuck! Mabilis akong napaatras.

"Oh! You're awake." Hindi ko man lang makita sa kanyang mga mata ang pagkabigla nang makita ako.

What the hell!? Siya ba ang may kagagawan nito?

Napaatras ulit ako. Kita ko ang gulat niya dahil sa ginawa ko.

"Scared?" tanong nito sa akin, samantalang titig na titig ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang libro.

Anong binabalak niya? Dahil ba ito sa nangyari sa Morocco?

"Nasaan ako?" diretso kong tanong dito. "Bakit ako nandito?" dagdag ko. Humakbang ito palapit sa akin, kaya umatras ako. Nang medyo malapit na ito sa akin ay buong lakas ko itong tinulak saka mabilis tumakbo palabas.

Napahinto ako sa pagtakbo, habang hinahabol ang aking hininga. Napahawak ako sa aking tuhod saka napatingin sa paligid.

"Fuck!" malutong na mura ko nang makita kung ano ito at nasaan ako. Paano ako makakatakas sa ganitong lugar?

"You can't escape here, Freyja." Narinig kong sabi ni Raven.

Nilingon ko ito at tiningnan ng masama. Ano ba ang balak niya?

"Where am I? What the hell is this fucking place? What do you need!?" Hindi ko mapigilan mapasigaw.

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hindi ko siya mabasa, ibang-iba ang Raven na kilala ko noon. Ang berde niyang mga mata ay kasing lamig ng yelo kung tumitig, wala kang makikitang emosyon dito.

"Isla."

"Isla?" pabalik na tanong ko rito. "Teka. Bakit ako nandito? Anong kailangan mo sa akin?"

"May gusto lang akong malaman." Humakbang ito palapit sa akin, kaya umatras ako.

"Huwag kang lumapit? Ano ba talaga kailangan mo sa akin? Kung may gusto ka lang malaman, puwede mo naman akong tanungin doon sa restaurant. Hindi sa ganito," sabi ko habang umaatras pa rin.

Napataas ang aking kilay nang marinig ko ang mahina nitong tawa. "Did I disturb your date? Kaya ba ganyan ka? Bakit ka natatakot sa akin, Freyja?" sarkastikong sabi nito at ngumisi.

"Ano ang gusto mong malaman? Kapag sinagot ko ba iyan ay iaalis mo ako sa lugar na ito?"

"Relax. We haven't seen each other in how many years. Tapos ganito ang reaksyon mo? Para namang wala tayong pinagsamahan," mapaglarong sabi nito.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon