Hindi na ako mapakali dahil sa nabasa ko. At ang nakakinit ng ulo ko ay hindi ko ma-contact si Mal. Hindi ko tuloy maiwasan mapa-isip sa nabasa ko.
Bakit ang aking asawa? Ano ang nagawa niyang kasalanan sa grupo na iyon at pinag-iinitan siya?
"Fuck you, Mal!" Napasabunot ako sa aking buhok bago naupo sa kama.
"Problem, love?" Napatingin ako kay Raven na kalalabas lang sa banyo. Nakapagpalit na ito ng damit. Nakasuot na ito ng gray shirt saka white short. Lumapit ito sa akin sabay haplos ng aking buhok. "You look frustrated."
"Oh! Nothing, love." I smiled. Sumandal ako sa kanya at yumakap sa beywang nito. Hindi ko na mabilang kung ilang kasinungalin na ang nasabi ko sa aking asawa.
"Are you sure?" I smiled and pinched him.
"Yes, love. Iniinis lang ako ni Mal," ani ko rito. Totoo naman kasi na iniinis ako ng bruha na 'yon. Matapos mag-text sa akin ng ganoon ay bigla na lang hindi ko matawagan. Parang naghahatid ng chismis na hindi tinapos. Tsk.
"Kilala mo naman iyong pinsan mo. Baka naglalambing lang iyon." Napairap lang ako dahil sa sinabi nito. Naglalambing? Kung alam lang niya. Lagot talaga sa akin iyong bruha na iyon.
Buong araw ay parang wala ako sa aking sarili hanggang sa makatulog ako. Hindi ako mapakali at maraming pumasok sa aking isipan, lalo na iyong tungkol sa sinabi ni Mal. Nagising lang ako dahil sa tunog ng aking cellphone.
Dahan-dahan ko munang inalis iyong kamay sa pagkakayakap ni Raven sa akin at bumangon bago kinuha ang aking cellphone.
Sinagot ko naman ito agad nang makita kung sino ang tumawag at nagtungo ako sa may terrace.
"Damn! Kanina pa kita tinatawagan. Nasaan ka ba?" singhal ko kay Mal. Idagdag mo pa iyong nagising ako sa tulog. Umiinit na talaga ang ulo ko.
"Takte naman oh! Nasa himpapawid pa po ako kanina. Sinabi ko 'di ba na magbabakasyon ako sa Spain," mataray na sabi nito. "Sabog pa nga itong utak ko. Pero tinawagan lang talaga kita, kamahalan," dagdag nito.
"Pasensya na. Kailangan ko kasi ng paliwanag sa text mo sa akin."
"Tungkol po roon ay hindi ko alam kung ano ang nagawa ng asawa mo at nakalaban iyong grupo na iyon. Maliban na lang kung may hindi ginagawang maganda iyang asawa mo. Alam mo na ang ibig kong sabihin," makahulugan na sabi ni Mal.
"Of course not, I know my husband, Mal. We've been married for eight years. Hindi gumagawa iyong asawa ko ng illegal," pagtatanggol ko sa aking asawa.
"Baka lang naman. Kung maka-react 'to akala mo naman. Hoy! Baka lang, 'di ba? Huwag kang mag-alala, aalamin ko ito. Ang hirap kasi gumalaw ng hindi nalalaman ng organisasyon. Baka magtaka sila kung bakit ko ito ginagawa."
"I understand, Mal. Please update me. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko ito nalalaman." Kailangan ko talagang malaman kung bakit biglang si Raven iyong inatake nila.
"I know. Sige na kailangan ko nang matulog dahil napagod ako sa aking flight. Marami pa naman akong kailangan gawin dito na dapat ikaw ang gumagawa."
"Oo na. Huwag mo nang isumbat. Pangako kapag nag-asawa ka at honeymoon n'yo ay ako lahat gagawa sa trabaho mo."
"Bullshit naman, Freyja! Nakakakilabot ka. Huwag kang magsabi ng ganyan, nagtataasan balahibo ko sa iyo." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Talagang nakikilabutan ito kapag napag-usapan ang ganyang bagay. Paano na lang kaya kung dumating iyong araw na matamaan ito ng pana ni kupido?
"Sana hindi masarap ang ulam mo. Sana tigang ka at walang dilig," sambit nito at agad na pinatay ang tawag. Napailing na lang ako bago bumalik sa loob. Nilagay ko ang aking cellphone sa ibabaw ng drawer at humiga ulit. Yumakap ako kay Raven at sumiksik. Naramdaman ko pa itong gumalaw at niyakap ako.

BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
Fiksi UmumRaven and Freyja have been married for over eight years. Unbeknownst to them, they have their own secrets that they keep from each other. Raven thought his wife was just a simple business woman who owned a jewelry shop. Freyja knew her husband the s...