Chapter 23

2.1K 32 4
                                    

Simula noong nabaril ako ay lalong naging mahigpit sa akin si Raven. Hindi na ako nito pinapayagang umalis mag-isa at dapat kasama ko ang tauhan niya. At lagi rin itong wala sa bahay, at minsan ay hindi ito umuuwi. Hindi ko na siya tinatanong dahil alam ko naman kung saan ito nagpupunta, walang iba kung hindi kay Beatrice.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na kaming laging nag-aaway ni Raven. Lagi na lang mainit ang ulo nito. Minsan pinag-aawayan namin ang pagtakas ko sa mga tauhan niya, at minsan naman ay dahil kay Beatrice.

"Saan ka na naman galing? Bakit hindi ka umuwi ng dalawang araw rito?" naiinis kong tanong nang makita si Raven. Pero hindi ako nito sinagot at kumuha lang ito ng damit at nilagay sa duffle bag nito.

"Aalis ka na naman? Saan ka ba laging pumupunta, Raven? Parang umuuwi ka lang dito kapag may kailangan ka. Mabuti pa iyong mga tauhan mo lagi ko nakakasama." Hinawakan ko ito, pero bigla nito tinanggal ang kamay ko. Kaya mas nakaramdam ako ng inis dito.

"Raven..."

"Please, Freyja, tumahimik ka muna! Kapag umuuwi ako ito na lang lagi ang bumubungad mo sa akin. Pagod ako, Freyja. Tapos iyang bunganga mo ang sasalubong sa akin." Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.

So? Kasalanan ko pa?

"Raven, naririnig mo ba sinasabi mo? Hindi naman ako magkakaganito kung—"

"Kung hindi dahil kay Beatrice? Tang ina naman! Lagi na lang si Beatrice nasasama sa usapan natin," putol nito sa sinabi ko.

"E, kasi lagi mong kinakampihan si Beatrice! Asawa mo ako, Raven!" Napasinghap ako nang bigla nitong binato ang bag na hawak, kaya iyong ibang laman nito ay natapon.

"Ito na naman tayo. Tang ina! Kailan ka ba titigil?" malakas na sabi nito.

"Kapag iniwasan mo na iyong babaeng iyon. Kapag hindi ka na laging umaalis!" mariin kong sabi at tiningnan ito.

"Putang ina! Lagi naman akong umaalis naman noon ah? Hindi ka naman ganito. Ano ba talaga problema mo?" Halata sa boses nito ang pagpipigil ng galit at pagtaas ng boses.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Dinuro-duro ko siya sa kanyang dibdib. "Lagi na lang ako ang mali. Hindi na kita kilala, Raven. Mahal mo pa ba ako?" tanong ko rito. Pero nagulat ako dahil hindi ito sumagot.

"R-Raven..." mahina kong tawag dito, pero labis na iyong kaba ko. Natatakot na ako na baka kaya siya nagkaganito ay dahil kay Beatrice. Nagtagumpay ba si Beatrice sa gusto nito?

"Aalis na ako." Tinalikuran ako nito, pero mabilis ko itong hinawakan. Kailangan niya muna akong sagutin.

"Sagutin mo ako." Nanginginig iyong kamay ko. Tiningnan ko siya, pero umiwas ito.

"Mag-usap tayo pag-uwi ko," sambit nito at mabilis na pinulot ang bag saka lumabas sa kwarto.

Naiwan naman akong nakatulala. Madali lang namang sagutin iyong tanong ko, pero bakit parang nahihirapan siyang sagutin ito?

Napaupo ako sa sahig sabay pigil ng aking mga luha. Napahawak ako sa aking dibdib, ang sakit. Tang ina!

Tumayo ako at tumakbo palabas para habulin si Raven. Kailangan naming mag-usap. Hindi pwede ito. Muntik pa ako mahulog sa hagdan dahil sa kamamadali ko. Pero wala akong pakialam, dapat kong makausap si Raven. Hindi pweding ganito kami.

Paglabas ko ay nakita ko si Raven sakay na sa sasakyan nito. Pero mas lalo akong nasaktan nang makita kung sino ang kasama nito.

Siya na naman. Si Beatrice na naman. Kaya pala nagmamadali.

Puno ng pait akong napangiti saka tinalikuran sila. Ang hirap naman. Parang ang bilis namang nagbago lahat sa relasyon namin. Parang kailan lang ay masaya pa kami, pero ngayon ay laging nagtatalo na.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon