Chapter 27

2.2K 39 4
                                    

Bumagsak ang aking balikat sabay hagulhol. Akala ko tapos na ako, pero may bago na naman. Paano ko palalakihin ang bata na ito? Nasa panganib na iyong buhay niya. Tapos hindi ko pa siya mabigyan ng kompletong pamilya.

Napalingon ako nang bumukas ang pintuan at agad lumapit si Mal sa akin. Siguro ay ginamit nito ang susi upang mabuksan ako. Panay lang ang iling ko habang hawak ang mga pregnancy test. Hindi ko na gaanong makita si Mal dahil sa mga luha ko. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap.

"Hush... nandito lang ako. Huwag ka nang umiyak, hindi ka nag-iisa," pampalakas-loob niyang sabi sabay himas sa aking likuran at nakayakap ito sa akin.

Mas napalakas ang hagulhol ko. Gulong-gulo ang aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Wala ito sa plano ko. Bakit lahat na lang ng kinatatakutan ko ay nangyayari na sa akin ngayon? Una ay iyong iwanan ako ni Raven at makahanap ito ng iba. Ngayon naman ay magkaroon ng anak. Sinusubok ba talaga ako? Dahil na ba ito sa mga kasalanan ko kaya nangyayari ito sa akin?

"Nandito lang ako. Kung ano ang plano mo, susuportahan kita. Hindi ka nag-iisa," sabi sa akin ni Mal.

Tinayo ako nito saka nilabas sa banyo. Pinaupo ako nito at nagmamadali naman itong kumuha ng tubig.

"Huwag kang umiyak, masama 'yan sa baby mo." Inabot nito sa akin ang tubig at kinuha ko naman ito sabay inom. Nanunuyo na lalamunan ko dahil sa ka-iiyak. Napapaos na rin ako.

"Mal, bakit nangyayari sa akin ito?" humihikbi kong tanong.

"May dahilan ang lahat, kaya huwag ka nang umiyak. Ikaw lang ang buntis na nakita kong malungkot."

"Paano ako hindi malulungkot kung hindi ko mabigyan ng magandang buhay itong anak ko? Hindi ko siya mabigyan ng kompletong pamilya. Nasa panganib ang buhay niya dahil sa buhay na meron ako," namamaos ang boses na sabi ko.

"Freyja, lumaki tayong masaya kahit iyong magulang natin ay nasa organisasyon. Hindi man perfect ang buhay at childhood natin, pero ito naman tayo ngayon. Kaya huwag kang nega para sa pamangkin ko. Kaya kong ibuwis ang buhay ko para sa bata na iyan. Kayo na ang pamilya ko. Kaya huwag ka nang umiyak d'yan. Dapat maging masaya tayo."

Niyakap ko naman si Mal dahil sa sinabi nito. Kahit papaano ay may nagpapagaan ng loob ko.

Paano na lang kung wala itong pinsan ko? Lagi man kami nagkakasagutan at nagmumurahan, pero sa ganitong bagay ay hindi kami nag-iiwanan.

"Tama na ang drama, baka naman pumangit iyang pamangkin ko. Jusmeyo!" Tinapik ako nito at pinunasan ang aking luha. "May tanong ako, sasabihin mo ba sa ama n'yan na may anak kayo?" Napatingin naman ako kay Mal sabay iling.

"Alam niyang patay na ako. Bubuhayin ko itong batang ito na mag-isa. May pamilya na siya, may pinili na siya," desidido kong sabi sabay hawak sa aking tiyan.

"Gaga! Anong mag-isa? Nandito ang pretty na tita niya. Don't worry, palalakihin natin siya at sisiguraduhin nating may maganda siyang buhay. At lalaki siyang maganda na tulad ko at matalino na tulad mo." Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Thank you."

"Uy, hindi iyon free! Dapat bayaran mo ako!" nakangiting sabi nito.

"Ano?" Napataas ang aking kilay sa sinabi nito. Tumawa naman ito nang malakas sabay hampas sa akin.

"Joke lang... hindi naman ako poor, 'no. Gusto mo bilhan ko pa ng bahay iyang pamangkin ko." Natawa na lang ako sa sinabi nito. "'Yan ang dapat, tumawa ka. Ayaw ko ng pamangkin na nakabusangot at iyakin. Jusmeyo!"

"Oo na." Hindi pa rin ako makapaniwala na may laman na itong sinapupunan ko.

Ilang years akong nag-ingat, pero sa isang iglap na lang ay biglang magkaka-anak na ako. Hindi ko naman akalaing nandoon si Raven sa Bali. Nawala na rin sa isipan ko dahil biglang sumingit sa eksena si Beatrice. Sunod-sunod din iyong away at problema ko, kaya tuluyan na talagang nawala sa aking isipan.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon