Chapter 14

2K 24 0
                                    


"Are you okay, Reese?" nag-alalang tanong sa akin ni Mal. Nginitian ko lang ito sabay tapik sa balikat nito.

"I'm okay, hindi naman ako nasaktan," sabi ko rito. Mabuti na lang talaga at galos lang iyong natamo ko dahil sa gago na iyon. Hindi ko kasi namalayan na may hagdanan pala at abala ako sa pakikipaglaban. Nang masipa ako nito sa tiyan ay tumalsik ko at nahulog sa may hagdan.

Aaminin ko, masakit iyong katawan ko ng kaunti, at makirot iyong mga galos ko. Pero hindi ko naman ito ikamamatay.

"Jusmeyo naman, nagulat ako sa nangyari! Akala ko mawawalan na ako ng pangit na pinsan—aray!" Napahawak ito sa kanyang ulo nang ibatok ko sa kanya ang baril.

"Ipalinis mo na ito. Aalis na ako. Kailangan ko pang maghanda para sa lakad natin mamaya," sabi ko kay Mal sabay talikod sa kanya. Mabuti na lang at wala si Raven sa bahay. Baka magtaka ito kung saan ko nakuha itong mga galos. Umalis na kasi ito papunta sa Chicago at bukas naman ay kami ni Mal ang pupunta sa Bali.

Ilang araw na akong sobrang busy dahil sa mga misyon at problema sa organisasyon. Lalo na dahil ang ibang grupo ay gumagalaw na naman.

Tang ina! Kung saang lugar na lang ako napupunta, pero hindi naman para magbakasyon, kung hindi ay para makikipaglaban o ayusin ang problema.

Hindi ko na rin matandaan kung kailan ang huli naming out of the country ni Raven. Abala rin ito sa kanyang negosyo. Kung siguro wala akong gagawin ay sumasama ako sa kanya. Pero iba ang buhay ko. Buhay na mahirap at delikado.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nag-shower. Pagkatapos ay nilagyan ko ng ointment iyong galos ko upang madaling gumaling. Tiningnan ko ang aking katawan sa salamin. Kung hindi dahil sa mga ointment na ito ay baka puno na ng peklat itong katawan ko.

Napabuntonghininga ako at inabot ang hair dryer sabay patuyo sa aking buhok.

Nang matuyo ay tumayo ako at kinuha ko na ang black backpack. Dito ko na lang ilalagay ang lahat ng kailangan ko para sa pagpunta namin sa bali. Hindi ko na kailangang magdala ng maraming gamit dahil kung kailangan ko ng mga susuotin ay bibili na lang ako roon.

Nang masiguro kong nailagay ko na sa bag ang mga gamit na kailangan ko ay nagbihis na ako. Sinuot ko ang malaking shirt ni Raven na aabot hangang tuhod ko. Nahiga ako sa kama at niyakap ang unan ng aking asawa.

Nagising lang ako dahil sa ingay ng aking cellphone.

"Argh!" Ginulo ko ang aking buhok sabay mulat ng aking mata. Kinuha ko ang phone sa drawer at sinagot ang tawag.

"Problem!" Hindi mapakali ang boses nito.

"What?" iritado kong sabi. Naiinis ako dahil minsan na nga lang akong makapagpahinga ay naistorbo pa.

"Nakatakas si Menesis."

"What? Why? Teka... stop joking, Mal. Umiinit ulo ko." Napaupo ako sa kama.

"Ewan ko rin. Basta may tumawag sa akin upang sabihin sa akin na nakatakas ito. Tinulungan ng mga kasamahan."

"Tang ina! Anong silbi ng mga bantay, Mal!?" Hindi ko mapigilang mapasigaw at napapikit ako dahil sa labis na inis. Okay na sana. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinigilan si Catalina patayin ang gagong iyon.

"Walang natira sa tauhan nating nagbabantay sa bihag. Saka sobrang galit na galit si Catalina. Putang ina naman eh! Beauty rest ko sana ngayon, pero na-stress ako dahil kay Menesis!" reklamo nito.

Hindi ko naman pinansin si Mal at napaisip ako. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman gaano kataas ang rango ni Menesis sa kanilang grupo. Kung ako iyon ay hahayaan ko na itong mamatay at papalitan ng bago. Pero sa pinapakita nila ngayon ay parang mali. Ilang beses nang nakatakas at nakaligtas si Menesis dahil sa kanyang grupo. Sigurado akong hindi maliit ang grupo na iyon.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon