Chapter 31

2.2K 38 2
                                    


"She is so pretty." Napangiti ako sa sinabi ni Mal. Yes, my daughter is absolutely beautiful.

I was staring at her as she played in the playground. Kahit sa malayo ay masaya na ako, lalo't nakikita ko ang mga ngiti sa labi nito at sobrang saya nitong naglalaro. Walang takot na makikita sa kanyang mga mata.

"Yeah, she is," mahina kong sang-ayon sa sinabi ni Mal habang hindi pa rin inalis ang tingin sa aking anak.

Galing pa kami sa airport dahil kararating lang namin galing sa Greece. Pero pinuntahan agad namin si Simone upang makita. Apat na buwan din kasi ako sa Greece dahil sa mga inasikaso ko. Kaya hindi ko na ito napupuntahan.

Parang nawala lahat ng pagod ko, makita lang siya. Ilang taon na ba nakalipas, simula noong mangyaring kaguluhan? Limang taon na. Kay bilis ng panahon. Sanggol ko pa lang siya no'ng iniwan, pero ngayon ang laki na niya. Lumaki itong masayahin at magandang bata.

Hindi ko man natupad ang pangako ko na kukunin ko siya agad dahil mas dumami ang problema sa organisasyon. Hindi naman ako nagsisisi dahil lumaki itong maayos sa piling nina Zavena at asawa nito. Inalagaan siya at tinuring na tunay na anak, kahit may anak na ito.

Kahit papaano ay sapat na sa akin na nakamasid mula sa malayo, basta sigurado lang ako na ligtas siya. Balang araw ay makakasama ko rin siya at puwede ko na siyang mayakap. At sana maunawaan niya kung bakit ko siya iniwan. Sana hindi siya galit sa akin.

Napasinghap ako nang lumingon ito sa aming direksyon at kumaway habang nakangiti.

"Tayo ba ang kinakawayan n'ya?" nagtatakang tanong ni Mal. Tumingin pa ito sa paligid upang masigurado. Pero walang ibang sasakyan at tao sa direksyon namin. Kung hindi kami lang.

"Oh my gee! Totoo ba 'to?" Hindi mapakali si Mal sa kanyang upuan.

Matapos nitong kumaway ay tumakbo ito palapit kay Zavena dahil mukhang tinatawag na siya nito. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan ni Zavena ang likuran nito. Siguro ay basa na ito ng pawis sa kalalaro.

"Freyja, nakita mo ba iyong kanina?" Hinawakan ako ni Mal at kulang na lang tumili ito sa pagmumukha ko.

"Tama na, Mal. Para kang ewan." Inirapan ko ito. Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Simone 'yon. Siguro ay talagang friendly itong bata. Marami rin kasi itong kaibigan sa school dahil napakapalakaibigan at sobrang bait.

"Baka kilala niya tayo."

"Paano niya tayo makilala kung hindi tayo nagpakilala sa kanya o nagbigay man lang ng larawan kay Zavena. Alam mo naman siguro ang bata na iyon. Nakangiti kahit kanino," saad ko. Ayaw kong umasa na nakilala kami nito dahil alam kong imposible ito.

Pinaandar ko na ang sasakyan at naisipang umuwi na. Bukas ko na naman titingnan si Simone dahil sa susunod na araw ay pupunta ulit kami sa Spain. Hindi na gaano kagulo roon, hindi tulad noong nakaraang taon. Kahit papaano ay hindi nasayang lahat ng sakrapisyo ko. Masaya na rin si Catalina, kasama si Menesis at ang anak nitong lalaki. Hindi man maiwasan ang panganib sa kanilang buhay, pero alam ko naman makakayanan nila itong dalawa.

Bilib din ako sa pagmamahalan nila. I know that no relationship is perfect, but two people can share one umbrella and survive the storms together. And they are an example because my relationship was a disaster. We didn't survive together because we had different umbrellas and didn't make it through the storm. Our relationship was easily washed away in the storm.

Despite that painful memory, I still have Simone. Not too bad because we have a lovely angel. She is the best thing that has happened in our relationship.

"Daan muna tayo grocery, wala na yatang stocks sa bahay. Gusto kong magluto, nakakasawa na ang pagkain sa labas," ani Mal, kaya inikot ko ang sasakyan patungo sa kanyang sinabi. Nakakasawa rin kasi iyong kinakain namin, minsan mga unhealthy food.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon