"Aagawin pa yata ang pwesto mo ng maharot na 'yan," mahinang bulong sa akin ni Mal habang tinitingnan si Beatrice kung paano nito kulitin si Raven.
Napapagod na ako sa kababakod kay Raven simula kaninang umaga. Mukhang expert talaga magpapansin itong si Beatrice. Mukhang talent na talaga niya. Kung hindi ko lang hinabaan ang pasensya ko, baka nalunod ko na iyan.
Hindi ko alam kung bakit sumama iyan sa amin. Tinanggihan naman ito ni Raven, pero ang kapal talaga ng mukha nito dahil hindi ito papayag na hindi siya isama.
Panay ang pangungulit nito kay Raven para mapapayag na isama siya. Kaya dahil sa inis ko at panay ang hawak nito sa asawa ko ay ako na ang nagsabi na sumama ito. Para naman matigil na iyong bunganga nito. Sanay ako sa bunganga ni Mal, pero sa kanya kasi ang arte, nakakainis na.
"Puntahan mo na iyong higad upang tigilan ang asawa mo." Tinulak ako ni Mal, kaya tiningnan ko ito ng masama. "Gusto mong maagaw iyan ng childhood friend niya?" sabi nito sa akin at diniinan pa talaga ang childhood friend.
Naglakad ako palapit sa kanila. Abala si Raven habang panay naman ang kulit ni Beatrice.
"Just do that work later. Let's go swimming," pamimilit nito kay Raven. Parang sanay na si Raven sa kakulitan nito at hinayaan na lang niya itong mukhang tanga sa kakukulit.
"Love," tawag ko kay Raven. Doon lang inalis ni Raven ang tingin sa kanyang laptop at tumingin sa akin. He smiled when he saw me, kaya mas lumapit pa ako sa kanya. "Just do it later. We're here to have fun," I told him.
"Achlys, she's right. Let's go," singit ng malandi na palaka.
"Alright," he said, closing his laptop and placing it on the table. So, I take a seat on his lap. I can see Beatrice frowning because of what she sees. Sorry ka na lang, girl. Wala akong pakialam kung childhood friend kayo. Asawa ako, kaibigan ka lang.
Pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang leeg sabay sandal dito. Narinig ko naman ang pagtawa ni Raven, saka pinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang.
"Argh... fucking bitch!" mahinang sabi ni Beatrice, pero sapat na para marinig ko. Napapadyak ito sabay walk out. 'Yan dapat ang ginagawa niya, hindi iyong lumalandi.
"Alam ko 'yang ginagawa mo, love," bulong sa akin ni Raven.
"Bakit, ayaw mo? Gusto mo kinukulit ka no'ng impakta na iyon?" mataray na sabi ko. Naramdaman ko namang hinaplos niya ang aking buhok.
"My wife is jealous."
"Hindi ako nagseselos. Binabakuran ko lang iyong akin. Ayaw ko nang may kahati. Simula noong pinakasalan mo ako, Mr. Achlys Raven Vizzini ay pag-aari na kita. Hindi ako papayag na may kahati," seryosong sabi ko.
"I'm all yours, wife," he whispered to me.
"Dapat lang." Nabigla ako nang umangat ako. Tumayo si Raven at bigla na lang itong tumakbo saka tumalon sa may pool. Fuck! Narinig ko naman ang pagtawa ni Raven.
"Kainis ka!" Tinalsikan ko ito ng tubig, pero ang loko ay gumanti pa talaga sa akin. Tiningnan ko ito ng masama, tumigil ito sabay taas ng kamay bilang pagsuko, kaya tumigil na rin ako.
"Ayyy!" malakas na sigaw ko nang hilahin ako nito sabay yakap sa akin.
"Bakit ang ganda-ganda ng asawa ko?" nakangiting tanong nito.
"Tanong mo sa genes ng magulang ko." Pilosopo kong sabi at natawa ito.
"Nahahawa ka na kay Mal."
"Sumbong kita roon," pagbabanta ko sa kanya.
"Hindi ako natatakot. Sa 'yo lang naman ako takot," nakangising sabi nito.
Mahina ko itong hinampas nang maramdaman ang kamay nito sa aking pwetan. Tang ina naman! Hindi pa ako naka-move on sa elevator at balak sundan pa yata rito sa pool.

BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
Ficción GeneralRaven and Freyja have been married for over eight years. Unbeknownst to them, they have their own secrets that they keep from each other. Raven thought his wife was just a simple business woman who owned a jewelry shop. Freyja knew her husband the s...