Chapter 44

2.8K 37 2
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nangyari ang pagligtas namin kay Simone. Marami ang nangyari at pagbabago sa dalawang araw lang. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Raven. Tungkol naman kay Simone ay nasa pangangalaga muna ito kay Zavena. Pero hindi tulad noon ay sa malayo ko lang ito tinitigan. Minsan dinadalaw namin ito ni Mal o nagkikita kami sa hospital.

Napagpasyahan muna namin na hindi sabihin sa kanya ang tungkol sa kanyang ama. Gusto naming na kapag gumising na si Raven ay saka namin sabihin ang totoo. Nagulat man ang magulang ni Raven sa mga nalaman nila, pero labis naman ang tuwa dahil tunay nitong apo si Simone. Pero kahit hindi nila alam iyon ay tinuring pa rin nilang tunay na apo si Simone noon. Hindi nila pinaramdam sa bata na iba siya. Kaya nagpapasalamat na rin ako.

Aaminin kong naiilang pa rin ako sa pamilya ni Raven. Kaya minsan kapag wala sila ay saka lang ako bumibisita kay Raven. Nahihiya rin ako minsan kapag naabutan nila ako rito sa hospital.

"Matagal na rin ang tulog mo... baka gusto muna gumising? Ayaw mo bang magpakilala sa anak mo? Lagi ka na tinatanong sa akin," sabi ko rito. Kahit alam kong hindi naman ako nito naririnig. Para tuloy akong baliw na kinakausap ang hindi naman sumasagot.

"Hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na napaka-swerte mo. Pinakita sa akin ni Zavena ang mga larawan ninyo ni Simone. Aaminin ko na naiingit ako sa 'yo. Buti ka pa, kahit hindi mo alam na anak mo siya ay nakasama mo siya. Nakita mo siyang lumaki, habang ako..." Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak kaya agad ko naman itong pinunasan.

"Napaka-unfair talaga ng mundo sa akin. Siguro, karma ko na ito sa mga kasalanan ko. Akalain mo 'yon, kapatid mo pala ang pinaalaga ko sa anak natin. Tinago ko man sa iyo, pero sobra naman maglaro ang tadhana," natatawang sabi ko habang pinipigilan ang sarili na umiyak na naman.

"Hindi na ako umaasa na maibabalik ang dating pagsasama natin. Masaya na ako na makilala ka ni Simone bilang ama niya. Kahit hindi man tayo buong pamilya ay palalakihin naman natin si Simone. Kaya gumising ka na..." mahina kong pagsusumamo sa kanya.

"Thank you for saving us. Thank you for risking your life for us." Hinawakan ko ang kamay nito sabay halik dito. "Raven, you'll always be a big part of my life. But the world is cruel to us, and we are not fated to be together. I want you back, but it's so difficult because my life is messed up," mapait kong sabi.

"Sana, bago ako umalis ay gumising ka na. Hindi ko alam kung makakauwi ako ng ligtas sa pupuntahan ko. Gusto kong magpaalam sa iyo at sabihin na alagaan mo ang anak natin. Gusto kong ako ang magsabi sa iyo na si Simone ay anak natin. Kaya, please, gumising ka na..." paki-usap ko rito.

Hinalikan ko ito sa noo bago ako lumabas sa room nito.

"Mommy..." Agad na bumungad sa akin si Simone na hawak ni Zavena. May hawak itong lollipop sa isang kamay. She looks so beautiful in her yellow dress. She looks like a princess.

Nakita ko naman sa likuran nila ang mga magulang ni Raven at ang babaeng pinagseselosan ko noon, walang iba kung hindi si Beatrice.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang biglang tumakbo sa akin si Simone. Niyakap agad ako nito ng makalapit sa akin.

"You visit Uncle Papa?" inosenteng tanong nito. Wala man lang kaalam-alam na ama niya talaga ito.

I want to say, 'It's your daddy, not uncle papa.' Pero hindi ito ang tamang pagkakataon kaya tumango na lang ako.

"How's my princess?" tanong ko rito.

"I have new toys. Tita Beatrice, give it to me," tuwang-tuwa na sabi nito. Hindi ko mapigilan makaramdam ng selos dahil malapit ito sa aking anak. Pero hindi ko ito pinahalata at pilit akong ngumiti dito.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon