Abala ako sa pagtutupi ng damit, saka nilagay ito sa maliit na luggage. Napalingon ako nang may biglang yumakap sa akin sabay halik sa aking pisngi. Napangiti ako, saka hinaplos ko ang kanyang mukha.
"Anong gusto mo pasalubong pag-uwi ko?" malambing na sabi nito sabay yakap nang mahigpit sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa kanyang ginawa, saka tinitigan ko ang kanyang berdeng mga mata.
"You," malambing na sagot ko rito, sabay halik sa kanyang pisngi. Sinong mag-aakala na pumayag ako sa alok nitong kasal eight years ago? Hindi man lang kami dumaan sa pagiging boyfriend o ligawan stage, dumiretso agad sa kasalan.
But I have no regrets about my decisions. Sa walong taon naming pagsasama ay araw-araw ako nitong nililigawan at pinadama sa akin kung gaano ako nito kamahal. Noon, hindi ako naniniwala sa love at first sight, dahil sa isip ko, sino bang loko ang mai-inlove sa ganyan? But look at us now. We are the product of love at first sight. Funny! But it feels different. Our love story is distinctive; it is not a typical love story.
"I'm serious, baby," he said.
Pinisil ko ang kanyang pisngi, sabay halik sa tungki ng kanyang ilong. "I'm serious, too. You are enough. You, going home safe is the best pasalubong." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
"As always, nothing changed. Bakit pa ba ako magtatanong?" Niyakap ako nito nang mahigpit at humiga sa kama, kaya napahiga na rin ako. Ginawa kong unan ang kanyang makikisig na braso at niyakap ito.
Sa tuwing may business meeting siya sa ibang bansa ay hindi nito nalilimutan magtanong kung ano 'yong gusto kong pasalubong. Pero lagi kong sinasabi na siya lang sapat na. Iyon naman kasi ang totoo, makauwi lang siya ay masaya na ako. Walang gamit na makakatumbas sa saya na nararamdaman ko makita ko lang siyang nakauwi at sasalubungin ako nito nang yakap. Kaya ko naman bilhin o makuha iyong gusto ko. Kaya kaligtasan lang ang tanging hangad ko para sa aking asawa.
Pero kahit ganoon ay may dala pa rin itong pasalubong pag-uwi. The last time he brought me a Hermes bag was that limited edition. Noong pumunta siya ng Italy ay may pasalubong naman itong set of diamonds jewerly. Kung hindi branded na bag at mga damit ay mga alahas naman ang dala nito. My husband spoils me, as always. He really treated me like a queen.
"Ilang araw ka roon?" malambing na tanong ko, sabay siksik sa kanya. I really like his smell, hindi masakit sa ilong. Hahanap-hanapin ko talaga ang bango niya. Weird habits.
"I think two weeks. Kapag napapirma ko na ang mga investor ay uuwi ako agad," he answered, then showered me with kisses on my face. "I will call you as usual. So you will not miss me."
That's my husband, so clingy and sweet. But I love it.
"Dapat lang, Mr. Vazzini, kung ayaw mo malintikan sa akin," banta ko sa kanya, sabay taas ng isang kilay.
Mahina itong tumawa. "Anong gagawin ng asawa ko kapag hindi ako tumawag?"
Bumangon ako, saka tiningnan siya. "You will not like it, Mr. Vazzini," nakangising hamon ko rito, saka kinuha ang ibang damit niya at nilagay sa luggage.
"Like what?" Nakaupo na ito sa aming kama habang nakatingin sa akin. Mukhang hinahamon talaga ako.
"No hugs, no kisses, and no sex," mariing sabi ko. Napangiti naman ako nang makita ang kanyang reaksyon. I know my husband can't live without that. That's his weakness.
"That's torture, baby," reklamo nito at nakabusangot na ang mukha. He knew me when I said that. I really do it, just like our first arguments three years ago. Hindi ko siya pinatulog sa kwarto ng isang lingo, saka hindi ko rin ito pinapansin.

BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
Genel KurguRaven and Freyja have been married for over eight years. Unbeknownst to them, they have their own secrets that they keep from each other. Raven thought his wife was just a simple business woman who owned a jewelry shop. Freyja knew her husband the s...