Chapter 19

2K 24 1
                                    


"Freyja, okay ka lang? May masakit ba?" nag-alalang tanong ni Mal sa akin. Umiling lang ako at napatingin sa labas. Nasaan ba kami? "Labas na tayo, sabihan ko na lang asawa mo kung nasaan tayo," sabi nito at tinanggal ang setbealt.

Hindi ako gumalaw. Naglalaro pa rin sa isip ko iyong nangyari kanina. Bakit si Beatrice nandoon at hindi pwede ako? Ako naman iyong asawa. Bakit pakiramdam ko, mas mahalaga si Beatrice at dapat hindi ito maalis sa kanyang paningin?

"Uy, umiiyak ka? Ano na naman ba 'yan?" Napahawak ako sa aking pisngi, hindi ko na pala napansin na umiyak na ako. "Nag-alala ka sa asawa mo? Naku! Mukhang hindi naman sila iyong hinahanap ng mga namamaril. Baka tayo pa nga 'yon. Huwag kang mag-alala, ligtas iyon."

Iniisip ko rin kalagayan ng asawa ko. Baka mapahamak siya roon. Pero nilamon ako ng aking selos. Bakit hindi na lang pinasama sa amin si Beatrice? Bakit kailangan maiwan pa ito kasama niya? Gaano ba kahalaga ang naiwan niya sa room namin at para magpa-iwan siya roon?

Tang ina naman!

Napasabunot ako sa aking sarili. Sobrang bigat ng aking dibdib. Parang kaunti na lang, sasabog na ito. Hindi pa ako natahimik kagabi at may iisipin na naman ako.

"Hoy, Freyja! Malakas na ang tama mo. Bakit mo sinasaktan sarili mo? Ano na naman ang problema?" Nakakunot ang noo ni Mal habang nakatingin sa akin. Pero hindi ako nagsalita.

"Labas na, Freyja," naiinis na sabi ni Mal at lumabas sa sasakyan. Akala ko iiwan niya ako, pero nagulat ako nang bumukas ang sasakyan at pilit ako nitong pinapababa.

"Mal, nasasaktan ako," asik ko rito.

"Masasaktan ka talaga sa akin kung magpapabebe ka pa r'yan. Labas na kasi. Hindi ka ba nagugutom? Kasi ako, nagugutom na. Dahil sa piste na gulo na iyan, hindi ko natapos ang kinakain ko," reklamo nito.

Napabuntonghininga ako ng malalim at lumabas sa sasakyan. Nauna namang naglakad si Mal habang nakasunod lang ako. Minsan may napapatingin sa akin. Sino ba naman hindi magtataka sa hitsura ko ngayon, kagigising ko lang tapos biglaan ang pangyayari?

Kinausap ni Mal ang receptionist at may tinawagan si Mal bago siya bigyan ng card. Nakasunod lang ako kay Mal hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Nang makarating kami sa aming room ay nahiga ako agad sa kama, habang si Mal ay may kinausap sa cellphone. May tinawagan din ito sa telepono, pero wala naman akong maintindihan. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kisame habang iniisip si Beatrice at Raven.

Ano na kaya ang nangyari sa dalawa na iyon? Sana ligtas sila at huwag madamay sa gulo.

"Nag-order na ako ng pagkain natin at may initusan na rin ako para kumuha sa gamit natin sa hotel. Pinaiwan ko lang iyong mga walang silbi para naman hindi magtaka ang asawa mo. Saka may inutusan na ako upang alamin ang kaguluhan na nangyari doon. No worries dahil hindi ito makakarating sa organisasyon," mahabang litanya ni Mal. pero wala akong maintindihan.

"Shemay naman! Nakikipag-usap pala ako sa hangin. Freyja, saan ka na umabot?"

Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Gusto ko katahimikan kahit sandali lang. Mas sumasakit iyong ulo ko dahil sa ingay ni Mal.

Ni-lock ko ang banyo saka napasandal sa pintuan.

Hindi ko alam kung ilang oras ako sa loob, kasi lumabas lang ako nang may kumatok at narinig ang boses ni Raven.

"R-Raven..." sambit ko nang makalabas ako at bumungad sa akin si Raven. Mabilis ko itong niyakap at nagpapasalamat akong ligtas siya. Nang humiwalay ako sa yakap namin ay agad hinanap ng mga mata ko si Beatrice.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon