Chapter 2

4.6K 63 9
                                    


Pagdating namin sa Hong Kong International Airport ay agad kaming sinalubong ng aming mga tauhan. Hindi ko mabilang kung ilang tauhan ang sumundo sa amin, talo pa namin ang presidente sa dami nila. So some people in the airport keep looking at us. We're like celebrities or the daughters of presidents. Agaw atensyon lang naman kami at itong pinsan ko ay sobrang feel na feel.

Pagpasok namin sa sasakyan ay agad akong sumandal sa upuan. Hindi naman gaano katagal ang flight dahil mahigit isang oras lang ito. Pero dahil sa kabaliwan ng pinsan ko ay ginising ako ng madaling araw. Akala mo ay maiiwanan kami ng airplane.

"Tired?" tanong ni Mal habang inaayos ang medyo nagulo na buhok.

"Fuck you!" Pinikit ko ang aking mata upang magpahinga.

"Infairness, maganda ka riyan sa short hair mo," sabi nito. Napili ko kasing suotin na wig iyong hanggang balikat lang. Iba sa kadalasan kung sinusuot, gusto ko kasi sumubok ng bago.

"Matagal na akong maganda," saad ko, habang nakapikit pa rin. Gusto kong magpahinga, pero itong pinsan ko panay ang daldal.

"Kapal naman."

Minulat ko ang aking mata at tiningnan nang masama si Mal. "Manahimik ka muna, please. Inaantok ako." Pinikit ko ulit ang aking mata. I badly need to take a nap.

"Akala mo naman walang tulog. Wala naman ang asawa doon para magnuknakan."

Hindi ko na talaga mapigilan ang bibig ng aking pinsan. Ang sarap talaga lagyan ng packaging tape. Kahit wala sa bahay ang asawa ko ay hindi naman ako nakatulog nang maaga dahil kausap ko ito hanggang mag-alas dose ng umaga. At saka ginising din ako ni Mal ng madaling araw, kaya nasa tatlong oras lang naman ang tulog ko.

Napamulat naman ako nang huminto ang sasakyan. May nagbukas ng pinto ng sasakyan sa amin. Inayos ko ang aking sarili at lumabas na sa sasakyan.

Sinalubong agad kami ng ilang tauhan namin, sabay yuko bilang paggalang. Nilampasan ko lang ang mga ito at agad nang pumasok sa loob ng bahay. Hindi ligtas sa amin ang hotel, kaya may sarili kaming bahay na matutuluyan dito sa Hong Kong. Dito ay sigurado ang kaligtasan namin dahil kung balak man nilang pasukin kami ay dadaan muna sila sa kamay ng aming mga tauhan bago nila kami masaktan.

Dumiretso agad ako sa aking kwarto dahil kailangan ko na talagang matulog. Ilang oras nalang ay aalis na naman kami para sa aming transaction. Ni-lock ko agad ang aking kwarto upang hindi makapasok si Mal. Sigurado akong manggugulo na naman iyong pinsan ko. Nahiga agad ako sa aking kama hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako dahil sa malakas na katok, kulang na lang sirain o sipain ang pintuan.

"Ree, gigising ka o sisirain ko 'to." Halata sa boses nito ang inis.

"Fuck you, Mal!" Malutong na mura ko rito. Tumayo na ako sa kama at padabog na binuksan ang pinto. Agad kung nakita si Mal pagbukas ko ng pinto. Nakasuot ito ng all-in-black suit, halatang handa nang sumabak sa away. Habang ako suot ko pa rin ang damit na suot ko kanina.

"Huwag kang pa senyorita, nakahanda na lahat." Inirapan ako nito, kaya malakas ko binalibag ang pintuan, saka nagtungo sa may banyo upang makapag-shower. Narinig ko pa ang malakas na mura ni Mal bago ako pumasok sa banyo dahil sa ginawa ko.

Paglabas ko ay agad kong sinuot ang black tight-fitting jeans, saka pinaresan ng black-fit long sleeves. Inabot ko ang aking black boots saka sinuot ito. Tumayo ako at inayos ang aking buhok saka sinuot ang kulay itim na maskara na kalahati lang ng mukha ko ang natatakpan. Kinuha ko ang aking baril, I put it in my gun holsters. Before I went out of my room, I wore my black duster coat.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon