Hindi ako sumagot at mabilis akong lumapit kay Mal. Hindi ko alam kung narinig ba ni Mal ang sinabi ni Raven. Pero wala roon ang aking isipan, kung hindi ang mailigtas ang aking anak. Siguro kung sa ibang sitwasyon ko iyon narinig, baka nakatulala na ako. Pero iba kasi ngayon.
Mabilis ang bawat pagkilos namin palapit sa isang luma at bulok na bodega. Maingat ako sa bawat kilos ko. Nagkatinginan kami ni Mal nang makita ang dalawang lalaking nakabantay sa may bintuan. May hawak itong malalaking armas.
Tinanguhan ko si Mal upang magbigay ng hudyat at mabilis akong gumulong papunta sa maliit na eksena at dahan-dahang naglakad palapit.
Bawat kilos ko ay sobrang ingat upang walang ingay na marinig. Hindi ko alam kung nasaan si Raven, kung nasa likuran ko pa ito o sa ibang bahagi. Hindi na kasi ako nag-abalang lingunin ito.
Dahan-dahan ang bawat hakbang ko palapit sa dalawang bantay.
Sinipa ko ang malapit na lata sa akin at nagtago. Narinig naman ito ng dalawang bantay at nag-usap ito bago may isang lumapit sa direksyon ko. Nakita ko naman si Mal nakahanda na para sa naiwan na nagbantay.
Nang makalapit iyong lalaki ay buong lakas ko itong hinila at agad na hinampas ang aking baril saka malakas na sinipa sa may dibdib. Hindi ko na ito binigyan ng pagkakataon makalaban. Nakita ko ang duguan nitong noo dahil sa paghampas ko ng baril at namimilipit ito sa sakit.
"Chi sei?" nahihirapan nitong tanong.
"Mi Reina..." malamig kong sabi sabay putok sa baril sa may dibdib nito. Namatay ito ng walang nakakaalam dahil wala naman ingay ang pagpaputok ng baril.
Paglingon ko ay nakita ko sa hindi kalayuan si Raven na nakatingin sa akin. Bakas ang gulat sa pagmumukha nito. Siguro nakita nito lahat kung paano walang awa kong pinatay ang lalaki.
Tiningnan ko lang ito sandali bago ako nag-iwas ng tingin at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ni Mal.
You will know who Freyja Reese really is. The woman that you married thirteen years ago.
"Let's go," sabi ni Mal at kinasa ang baril. Dahan-dahan namin hinawakan ang pintuan at binuksan ito.
Maingat kaming pumasok at mas lalong naging alerto kung may panganib bang naka-abang sa amin. Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang medyo madilim na lugar at may hindi magandang amoy. Parang nabubulok na basura o patay na daga.
Fuck! Dito nila dinala ang anak ko? Hindi ko talaga mapapatawad ang gumawa sa kanya nito. Sisiguraduhin kung ngayon din ay maghaharap sila ni kamatayan.
Mabilis kaming nagtago ni Mal nang makarinig kami ng mahinang kaluskos, na parang may paparating sa kinaroroonan namin.
Palapit na nang palapit ang ingay at tuluyan naming nakita ang dalawang lalaki na may malalaking katawan, at sa pagmumukha pa lang ay hindi na mapagkakatiwalaan. Narinig namin ang malakas nitong halakhak at mukhang ang pinag-uusapan ay tungkol pera.
Tingnan natin kung magagamit n'yo pa 'yon. Hinanda ko na sarili ko para sugurin ito. Pero nagulat na lang kami nang mabilis itong bumulagta sa sahig at naghalo ang mga dugo nito sa sahig.
Nakita ko si Raven hawak ang dalawang espada na nababalot ng dugo.
Sa kanyang mabilis na kilos kanina ay halatang sanay itong gumamit ng espada. Siguro ito ang ginamit niya upang hindi ito maglikha ng ingay. Akalain mo, magaling itong gumamit ng espada. Hindi na ito nag-abalang tingnan kami at nauna itong maglakad.
"Wow! Nakita mo iyon? Ang galling, ah? Parang pang-Holywood movie ang galawan ni ex, ah," panunudyo ni Mal sa akin sabay tusok sa aking tagiliran. Tiningnan ko lang ito ng masama at nauna nang maglakad. Wala talaga itong pinipiling lugar sa kalokohan.
![](https://img.wattpad.com/cover/320964176-288-k401230.jpg)
BINABASA MO ANG
La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)
Ficción GeneralRaven and Freyja have been married for over eight years. Unbeknownst to them, they have their own secrets that they keep from each other. Raven thought his wife was just a simple business woman who owned a jewelry shop. Freyja knew her husband the s...