Chapter 1 ~ Finding Inspiration

341 9 0
                                    

A/N: This story was written years ago so expect some outdated humor and stuff. Feel free to call me out if there are any errors, inconsistencies, or even problematic sh*t that may offend many of you. Still, I hope youʼll enjoy the story! Votes and comments are very much appreciated. I would love to interact with you, guys! \ (•◡•) /

 I would love to interact with you, guys! \ (•◡•) /

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NAGULAT ang lahat nang bigla na lamang mag-ring ang school bell, senyales na breaktime na. After countless hours of being stuck here in the classroom listening to our teacher baffling about her life instead of the lesson she was going to teach us about, I can say na I'm very grateful na natapos na ang klase niya.

Nag-alisan na ang mga classmate ko habang naiwan akong naglalagay pa ng mga gamit sa loob ng bag ko. Nang matapos at akmang aalis na ako, nagulat ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.

"Ms. Olvidar, can I have a word with you?" tawag ni Ma'am Shiela sa 'kin dahilan para tamaan ako ng kaba. Syete! Masyado kasi akong pahuli-huli, eh!

Napalunok ako at muling umupo sa upuan ko. Umupo naman siya sa upuang nasa tapat ko. Nakakainggit 'yong mga classmate kong nakalabas na. They wouldn't be stuck in this kind of situation. Napaka-awkward kaya kapag kinausap ka ng teacher mo ng one-on-one!

Diretso lang ang tingin ni Ma'am sa mga mata kong nakatingin din sa kaniya. Hindi ako makaiwas ng tingin dahil baka kung ano pang isipin niya. Shems! Literal na tumutulo ang pawis ko!

"Cora, I just wanna ask kung—" Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko at huminga ng malalim, paulit-ulit na para bang kinakapos ako ng hininga.

"Cora! Ano'ng nangyayari sa 'yo?!" Hinawakan ako ni Ma'am sa magkabilang balikat at inalog-alog. Bakas ang labis na pagkataranta sa boses niya.

Sa isang iglap, siya naman ang biglang napahawak sa dibdib niya na para bang inaatake sa puso. Napatigil naman ako sa paghinga ng malalim at siya naman ang inalo ko.

"Ma'am! Okay ka lang ba?! Ano'ng nangyayari sa 'yo?!" natataranta kong tanong habang inaalog ang magkabilang balikat niya. Takte! Mamaya, mamatay pa siya 'tapos ako ang sisihin. My conscience can't take that! No!

Nakailang segundo ako ng kakaalo sa kaniya nang bigla siyang tumigil at seryoso akong tiningnan. Para siyang 'yong nanay mo na raratratin ka ng sermon kasi gabi ka na nakauwi. Oh no!

"At plano mo pa talagang mag-OA sa harapan ko, Ms. Olvidar, huh?" seryoso niyang sambit habang nakapameywang pa. What?! So acting lang pala 'yong hingalo moment niya kani-kanina lang?! This is unacceptable!

Awkward naman akong tumawa at nag-peace sign sa kaniya. "S-Sorry, Ma'am... Bakit niyo po ba kasi ako pinaiwan dito? Kinakabahan tuloy ako." I giggled.

Napabuntong-hininga na lang siya at napahawak sa magkabila niyang sintido. Ay, na-stress?

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon