(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
THE next day, agad akong naligo pagkatapos kong kumain. Weekend ngayon kaya naman walang pasok. Ngayon din kasi ang date — I mean, gala namin ni Mason na siyang nag-aya sa 'kin. Ililibre niya raw ako, eh. Tatanggi pa ba ako?
Bago pa ako makalabas ng bahay, tinanong pa ako ni Dad kung saan ako pupunta, kaya sinabi ko na lang na pupunta ako sa mansyon nila Penny.
Oo na! Certified liar na ako! Baka hindi ako payagan, eh. You only live once, sabi nga nila.
Sa park ng Richmond Fields ang meeting place na napag-usapan namin ni Mason. One-thirty ng hapon ang oras and it's now currently twelve-fifty. The park is only a few minute walk away kaya nilakad ko na lang ito.
For today, I decided to wear a red statement shirt na pinaiibabawan ng regalo sa 'king denim jumper. Iʼm also wearing a red hairband dahil nakakatamad mag-ayos ng buhok. Nakasuot din ako ng puting rubber shoes na may red outlines. Hindi naman siguro halata na red ang favorite color ko, 'no?
I was happily skipping my way to the park. The yellow bright sun was shining its beams on me, as if nakikisabay siya sa saya na nararamdaman ko ngayon. May bitbit pa akong mahabang shoulder bag. Hindi ko tuloy alam kung mukha akong stereotypical teenage girl sa mga libro o taga-kolekta ng utang, eh.
While I was making down my way to the park, may lalaking biglang humarang sa dinaraanan ko. Napatingin ako sa kaniya with an all out smile dahil sa pag-aakalang siya si Mason, pero agad akong napasimangot nang makitang mali ang akala ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Jago?" tanong ko kay Jago na nakaharang sa daan ko habang may ngisi sa labi niya. Hindi niya kasama si Remi kaya hindi ko mapigilang manibago. Parang magkadikit na ang bituka ng dalawang 'yon kaya nakakapanibagong makitang hindi sila magkasama kahit ilang saglit lang.
"Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo n'yan. Ano'ng ginagawa mo dito, Cora?" Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ganda ng bihis natin, ah? May date ka?"
Inirapan ko naman siya at nilagpasan.
"None of your business, Gagong Jago," bwelta ko habang nililipad ng malakas na hangin ang mahaba kong buhok. I feel like a badass!
"Hala, ang daya! 'Di ako sinabihan ni Clifford na may lakad pala kayong dalawa!" sabi niya kaya agad akong napalingon sa kaniya nang wala sa oras.
"Hindi naman si Cliff ang—" Agad akong napatakip ng bibig dahilan para biglang lumitaw ang isang ngisi sa labi ni Jago. Syete, nadulas ako!
"Huli ka, Aswang!" Bigla siyang tumakbo papalapit sa 'kin. "Sinong ka-date mo, ha?" animoʼy seryoso niyang tanong with matching crossed arms at padyak paa pa.
Tinalikuran ko na lamang siya. Maglalakad na sana ako palayo nang bigla niyang hinila ang bag ko dahilan para hindi ako makalayo sa kaniya nang tuluyan.