(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
WARNING: This part of the story may contain mature and disturbing themes not suitable for young audiences.
♪ hawak kamay - yeng constantino ♪
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
HOW can you fix something that is already destroyed?
How can you fix it if youʼre the reason why itʼs broken in the first place?
How?
"Cora, okay ka lang?"
Napatingin ako kay Jago na siyang nagsalita. Weʼre currently here in our class for the morning period. Nasa bandang likuran kami kung kayaʼt hindi kami masyadong napapansin ng teacher namin.
Tumango lang ako but stil, it wasnʼt enough to wash off the doubt in Jagoʼs face.
"Alam kong hindi ka okay. Ikaw ba naman ang sabunutan sa pool, 'di ba?" sabi niya kaya pabirong inirapan ko naman siya. After that unfortunate day, hindi ko alam kung paano ngunit kumalat ang incident na 'yon sa public.
"Gusto mong i-try ko sa'yo?" biro ko. Nag-thumbs down naman siya kaya natawa ako.
"Sa tingin mo ba, magkakabati pa kami ni Penny?" I couldnʼt help but ask, my eyes not looking away from our teacher who was busy with his lecture.
In my peripheral vision, I could see a faint smile from Jago's lips. "You just need to try harder."
Napatingin naman ako sa kaniya. "Ilang sampal at sabunot pa ba ang kailangan kong matanggap galing sa kaniya?" biro ko na ikinatawa naman niya.
"Basta! Mabait na tao si Penny. Nabulag lang siya sa galit at sakit kaya siya naging gan'yan. Pero sigurado ako na sa ilalim ng maskarang suot niya, ay 'yong Penny na minahal natin." Jago smiled, kaya napangiti na lang din ako.
He's right. Penny is still Penny. She might have changed, but she is still the Penny that I've loved.
She will always be.
~~~~~~
AFTER the school bell rang, agad akong kumaripas ng takbo patungo sa CR. Ihing-ihi na ako. Syete! Takte, 'yong pantog ko, parang sasabog na!
I ran my way to the comfort room. Wala na akong pake kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao. E' sa naiihi na ako, eh! Mapipigilan ko pa ba 'yon?!
Nang makarating ako sa tapat ng CR, agad kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko sa loob, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bumungad sa 'kin ang isang babae na umiiyak sa may lababo.
Napalingon siya sa 'kin dahilan para magtama ang tingin naming dalawa. Kumalat na sa kaniyang mukha ang mascara na suot niya dahil sa pag-agos ng kaniyang mga luha.
"P-Penny..." Hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin sa kaniya. She looks so tired and broken. And out of reflexes, bumaba ang tingin ko papunta sa kaniyang mga kamay.