Chapter 22 ~ The Real Mason Smith

164 4 0
                                    

CORA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

MALAPIT nang lumubog ang araw kaya naman nakangiti kong pinagmasdan ang pagtitipon ng mga ulap sa gitna ng makulimlim na langit. Nandito ako ngayon sa labasan ng school. Hindi na ako sumabay kanila Remi pauwi dahil gusto ko muna sanang makapag-isa. At least, while Iʼm walking home.

I took a deep breath as I continued to look at the sky. Even though I feel like a little pinch in my heart, pinilit ko pa rin ang sarili kong ngumiti.

Mom, I wish you were here...

"Uh, Miss..."

Nagulat ako nang may lalaking biglang kumalabit sa 'kin. Hindi ko na sana ito papasinin ngunit tinawag niya ulit ako. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko pero agad akong kinabahan nang makitang sinusundan niya ako habang patuloy pa rin akong tinatawag. Syete!

"Miss, wait! May itatanong lang ako!" tawag niya.

Tumigil naman ako sa paglakad at nilingon siya. Naglakad siya patungo sa direksyon ko kaya pinagmasdan ko muna ang itsura niya. Mukhang ka-edad ko lang siya pero mas matured ang tindig niya. He's wearing a black t-shirt and blue ripped jeans. Gwapo siya, in fairness. But he looks like someone. Parang may kakilala akong kahawig niya. Hindi ko lang maalala kung sino.

"Ano ba 'yon?" mataray kong tanong. I put my hands on my waist and held my chin up. I want to look terrifying and bitchy so he won't bother me again.

Ngumiti siya sa 'kin nang tuluyan siyang makalapit sa kinatatayuan ko. He stopped right in front of me with a shy smile on his lips.

"Miss, may itatanong lang sana ako." Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa bulsa niya. Tiningnan niya ako sa mga mata kaya hindi ko maiwasang mailang. Pogi nga, masyado namang makapagbigay ng awkward vibes. Takte!

"May kilala ka bang Emman?" tanong niya. Agad namang kumunot ang noo ko. Who the fudge is Emman?!

Umiling ako at pumilit ng isang ngiti. "Sorry, Kuya. Hindi ko kilala 'yong sinasabi mong Emman, eh..."

Tumango-tango naman siya at bahagyang napayuko. Para bang na-disappoint siya sa naging sagot ko pero hindi siya tumigil at binuksan ang phone niya.

"Heto. Medyo bata-bata pa siya dito pero pamilyar ba 'yang mukhang 'yan para sa 'yo?" Ipinakita niya sa 'kin ang isang litrato mula sa phone niya kaya tiningnan ko ito. My eyebrows furrowed when I saw a picture of a boy, maybe around 11 to 12 years old. Somehow, his face was a little familiar, but I couldnʼt really tell who it was.

"Ano po ba'ng full name niya?" tanong ko sa lalaki. He looked up to me kaya muling nagtama ang tingin namin.

"Maurice Emerson Smith," he answered.

My forehead creased as I could feel my lips parting. The familiar name rang a bell on me. Feeling ko, saglit na tumigil ang mundo ko.

Maurice Emerson Smith is the full name of the cold and heartless Mason Smith.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon