Chapter 24 ~ Tying the Loose Strings

160 4 0
                                    

CORA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

"TITO, let me take her home!" pagpupumilit ni Mason pero nakangiting umiling lang si Tito Ed sa kaniya na parang nang-aasar pa.

Si Tito Ed na kasi ngayon ang maghahatid sa 'kin pauwi habang si Mason naman, maiiwan sa apartment. Nakuha ko na ang bag ko at pinapapasok na ako ni Tito Ed sa kaniyang kotse.

"Hindi! Gabi na at delikado na sa daan. Baka madisgrasya pa kayo," kaswal na sagot ni Tito Ed kaya napasimangot na lamang si Mason at tumingin sa 'kin. Natawa na lang ako dahil sa kanila. I waved at him goodbye to tease him even more.

Syete! Buong araw kong kasama si Mason. I gotta say that this day was one heck of a roller coaster ride.

Pinapasok na ako ni Tito Ed sa loob ng kotse niya. Sunod naman siyang pumasok at umupo sa driver's seat. Napatingin ako sa bintana at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko si Mason na kumakaway sa 'kin habang nakasimangot.

Binuksan ni Tito Ed ang bintana ko dahilan para makita ako ni Mason sa loob ng kotse.

"See you on Monday!" sigaw ko at kinawayan din siya pabalik.

Ngumiti siya habang patuloy sa pagkaway sa 'kin. Friday kasi at walang pasok bukas kaya malakas ang chance na hindi ko siya makita sa weekends. Sure kasi ako na hindi ako papayagan ni Dad dahil late ako ng uwi ngayon. Hindi rin ako nakapagpaalam na gagabihin ako. Syete, I'm dead!

Isinara ni Tito Ed ang bintana ko at nagsimula na siyang mag-drive. Hindi ko naman tinatanggal ang paningin ko kay Mason na hanggang ngayon, kumakaway pa rin kahit malayo na ang kotseng sinasakyan ko.

"Maraming salamat sa 'yo, hija." Napatingin ako kay Tito Ed nang magsalita siya.

"Para saan naman po?" kunot-noong tanong ko.

Saglit siyang napatingin sa 'kin pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa driveway.

"Sa pakikipagkaibigan kay Mason," nakangiti niyang tugon kaya hindi ko rin mapigilang ngumiti. Tumango naman ako.

"Para ko na rin kasing anak 'yon, eh. Simula noong kupkupin ko siya, isang beses sa isang taon ko lang siya kung makitang ngumiti. Pero dahil sa 'yo, halos magmukha na siyang aso sa kakangiti," kwento ni Tito Ed kaya hindi ko mapigilang mapatawa. May sense of humor din pala siya, eh.

"Wala po 'yon! Siya nga po ang unang nakipagkaibigan sa 'kin, eh. Well, noong una, binubully niya ako pero natigil naman agad," kwento ko. Naalala ko tuloy 'yong mga kademonyohang ginawa sa 'kin ni Mason dati noong hindi pa kami close.

Bahagya namang natawa si Tito Ed. "Salamat na lang talaga at dumating ang isang katulad mo para tunawin ang yelong bumabalot sa puso niya," nakangiti niyang sambit dahilan para mapangiti rin ako. Pero agad napawi ang ngiti ko nang biglang sumagi sa isip ko si Penny.

Penny was supposed to be the one who'll do that.

She was supposed to be the one who would melt Mason's frozen heart.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon