CORA
"SMITH, you're out!" Umalingawngaw sa buong gymnasium ang sigaw ng P.E. teacher namin pagkatapos ng nangyari.
Hindi ko maalis ang tingin ko kina Mason at Penny. Parang eksena lang sa mga librong binabasa ko ang nakikita ko ngayon. Halos lahat ng atensyon ng mga tao dito sa gymnasium ay nasa kanilang dalawa.
Mayamaya, nakita kong biglang nahimasmasan si Mason at agad na tumayo. Si Penny naman, ayon at nakahiga pa rin habang nakatulala at nakatingin kay Mason.
Boom kilig! Tatadtarin na naman ako ng message nito mamaya.
Umupo si Mason sa isang tabi. Kapansin-pansin ang kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha. Parang wala siya sa wisyo dahil sa nangyari.
Nagpatuloy ang laro. Si Penny, lutang pa rin dahil sa nangyari kaya agad siyang natira ng bola. Dali-dali siyang umupo sa tabi namin at kung hindi ako namamalikmata, namumula siya. She's blushing red to the point that she looks like a tomato!
"Oh my Gucci! Oh my Gucci! Oh my Gucci!" kinikilig niyang bungad nang tumabi siya sa akin. Pinaghahampas niya pa ang braso ko. Okay, aaminin ko, kinilig din ako sa eksenang 'yon. Takte!
"Beshiewap, kinilig din naman ako pero hindi naman kita hinampas, 'di ba?" pagda-drama ko with matching paiyak effect pa. Niyakap niya lamang ako at pinagyuyugyog dahil sa sobrang kilig.
Pumito ang P.E. teacher namin senyales na tapos na ang laro. Nanalo ang team nina Clifford. Sayang 'yong team nila Penny. Nagsakripisyo kasi si Mason para kay Mommy Penny, eh!
Umalis na sina Remi, Penny, at Jago para bumili ng makakain sa cafeteria dahil break time na rin naman. Sinabi ko na lang sa kanila na susunod ako mamaya.
Nang makaalis na sila, agad kong hinanap si Clifford at nakita ko naman siyang nagpupunas ng pawis sa isang tabi. Agad ko siyang nilapitan at hinampas sa braso.
"Ikaw, kung ano-ano'ng naiisip mo! Muntik nang madisgrasya si Penny dahil sa ginawa mo! Takte ka!" bulyaw ko sa kaniya. Gayahin ko muna pagiging nanay ni Penny kahit ngayon lang.
"Hala! Hindi naman siya nasaktan, ah!" depensa niya. "Tsaka, 'di ba ang gusto mo, makagawa sila ng love story. Ayon, tinulungan ko sila. Gumana naman, 'di ba? Galing ko!"
At talagang nagawa niya pang purihin ang sarili niya!
Inirapan ko na lang siya. "Syete ka! Basta hindi na mauulit 'yon, ha! 'Yong may pisikalan."
Tumango-tango naman siya na parang isang bata. "Opo, bebe girl!"
Humalakhak siya at agad na nagpaalam upang magbihis. Aalis na sana ako sa gym nang mahagip ng mga mata ko si Mason na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi.
Ngayon ko lang napansin, kaming dalawa na lang pala ang tao dito sa loob ng gymnasium. Umalis na pala ang lahat ng mga estudyante at teacher. Takte!
BINABASA MO ANG
Writing their Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #1) "I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!" As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...