Chapter 16 ~ Mission Success

178 3 0
                                    

♪ mr. kupido - natsumi (cover) ♪

 kupido - natsumi (cover) ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

"GO, Mason!" Halos mapatakip ako ng tenga dahil sa paulit-ulit na pagsigaw ni Penny na nasa tabi ko. She might be annoying and loud when Mason is on her radar but hey, she's still my Mommy Penny that I love so much.

Umagang-umaga at nandito kami ng buong batch namin sa outdoor field ng Stanford High. Because today is our joint P.E. class, dito kami pinapunta ng teacher namin.

"Grabehan magpapansin 'tong si Penelopota kay Mason, oh..." bulong ni Remi sa 'kin. Magkakatabi kaming tatlo na nakaupo dito sa damuhan habang pinapanood ang mga boys ng batch namin na pinapatakbo ng P.E. teacher sa buong field.

"Narinig kita, Tomboy ni Jago!" bulyaw naman ni Penny na todo cheer pa rin kay Mason. Hindi man lang siya tumingin kay Remi nang sumbatan niya ito. All eyes talaga siya sa panonood kay Mason.

"Manahimik ka, Penelopota ni Sid!" sigaw pabalik ni Remi dahilan para pareho kaming mapatingin sa kaniya ni Penny.

"Sid?" Tinaasan siya ng kilay ni Penny habang binabato ng mapagtanong na tingin. For the record, Penny's not a saint. She's such a mom to us but she can still catch up with our cruel bondings.

Nagtatakang tumingin naman sa amin si Remi. As usual, suot pa rin niya ang kaniyang pink na cap.

"Sid! 'Yong nasa Ice Age! Mage-gets niyo rin ang reference." Tinaas-baba niya ang kaniyang mga kilay dahilan para kapwa kaming matawa ni Penny.

"Hindi naman kamukha ni Bebe Mason si Sid, eh!" depensa ni Penny. Palibhasa, bebe niya na ang pinupuntirya kaya agad siyang todo tanggol dito.

Kumunot naman ang noo ni Remi, muntik pang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. "Ang ibig kong sabihin na reference ay 'yong 'Ice Age'. Mason at Ice Age. Depota!" Marahas siyang napakamot sa ulo niya dahilan para muli kaming magtawanan ni Penny. She looks like she's about to throw a tantrum.

Napatingin na lang ako sa mga boys na tumatakbo pa rin sa buong field. Kakatapos lang naming mga girls na takbuhin ang buong field kaya sila naman ang pinapatakbo ngayon. I've spotted Clifford and Jago nagtatawanan habang tumatakbo. Mukhang may kwentuhang nagaganap. Meanwhile, nakasunod naman sa kanilang likuran si Mason na walang kaemo-emosyon ang mukha.

Kahit sa malayo, ang gwapo pa ring tingnan ni Mason. Tumitingkad ang maputi at makinis niyang balat dahil sa sinag ng araw. His face is also something you can't ignore too.

Aish! Ganito ba talaga kapag may nagugustuhan? I never experienced it, not until now.

"Ang gwapo talaga ni Mason..." bulong ni Penny sa 'kin. Nasa gitna nila akong dalawa ni Remi na abala rin sa panonood sa mga tumatakbong boys.

Heaven knows how much I wanted to raise a brow on her and tell her to get lost but I can't show her that attitude — she doesn't deserve it. After all, she's still my best friend at siya naman talaga ang nauna kay Mason. Ako lang talaga ang dakilang umeeksena sa kanila.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon