Chapter 9 ~ Her greatest treasure

189 4 0
                                    

CORA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

PAGKATIGIL na pagkatigil pa lamang ng van, agad na kaming bumaba ni Penny at dumiretso sa loob ng Richmond Medical Center. Patakbo kaming pumunta doon sa information center something — basta 'yong pinupuntahan kapag may gusto kang itanong!

"Miss, saan po ang kwarto ni Jaguar Madi?!" natatarantang tanong ni Penny sa babaeng naka-assign doon. Penny looks so worried to the point na mapapaisip ka na lang kung siya ba ang tunay na ina ni Jago. But what can I do? Sheʼs the mother of our group and she tends to be concerned for all of us.

Nang sabihin sa 'min ang room number ni Jago, dali-dali kaming nagpunta doon. Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo, Jago?!

Kahit gago 'yon, kaibigan ko 'yon. Natural lang na mag-alala ako. My friends are one of my treasures that I canʼt afford to lose.

We were in a hurry. I donʼt know, but the adrenaline rush just keeps kicking my energy up to run faster. Para nga kaming nasa isang teleserye kung saan ang eksena ay may sinugod sa ospital, eh. Add slow motion effect with background music to make it more dramatic.

Dumadagdag pa sa pagkakataranta ko ang mukha ni Penny. She looks like sheʼs gonna pass out because of the tension that weʼre both feeling. Ugh! Ano ba kasi ang nangyari sa unggoy na 'yon?!

"Here it is!" sigaw ni Penny nang makarating kami sa pintong may number na sinabi sa 'min. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin si Jago na nakahiga sa hospital bed at may benda sa braso. May mga bakas pa ng dugo sa benda na mas lalong nagpakaba sa 'ming dalawa. Nakaupo naman sa tabi niya si Remi na napatingin sa amin dahil sa mala-teleseryeng entrance namin.

"Gago ka talaga, Jago! What happened to you?!" bungad ni Penny at lumapit sa nakahiga naming kaibigan, ngunit agad siyang napatigil dahil sa bendang nakapulupot sa braso nito na may mga bakas pa ng dugo.

"What happened to you?!" Penny asked again as she sat on the chair behind her.

Ngumiti naman si Jago. He doesnʼt look badly hurt though. Mukha nga lang siyang pagod at nanghihina.

"Nadaplisan ng kutsilyo sa braso," Remi answered, looking at Jagoʼs bloodied arm that was covered with bandages. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya habang nakatingin dito.

"How?!" I was the one who asked this time. Nakatayo lang ako sa tapat nilang lahat habang nakahawak sa batok ko.

Aaminin ko, kanina pa ako antok na antok simula pa lang noong nasa van pa kami. Kung hindi ko lang kaibigan si Jago, nagpahatid na agad ako sa bahay. Pasalamat siyaʼt malakas siya sa 'kin. Mabuti na lang din talaga at kasama ko si Penny para less sermon kahit magpagabi pa kami dito.

"May lasing kasi na sinisipulan si Remi—"

"Nakita mo naman 'yong ginawa ko, 'di ba? Sinipa ko na ang dingdong niya. Bakit mo pa kasi pinagsabihan pa? Ayon, naglabas tuloy ng patalim," mahinahong sumbat ni Remi pero bakas sa tono ng pananalita niya ang panggigigil na parang gustong manermon.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon