(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
IYAK lamang ako nang iyak. Kahit anong pilit ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. Masyado silang lahat! Akala mo, kung sinong mga magagaling. Sana hindi ko na lang pinakita sa kanila ang gawa ko!
"Cora? Cora, are you here?" Natigil ako sa pag-iyak nang marinig ang isang pamilyar na boses. Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang aking sarili.
Kumuha ako ng toilet paper at ginamit itong pamunas para sa 'king mga luha. Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto ng cubicle na kinalalagyan ko at iniluwa nito ang isang pamilyar na babae.
"Cora! Oh my Gucci!" Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Hindi ko naman mapigilang mapaiyak.
"Grabe talaga 'yong sila Clifford! Lagi ka na lang pinagti-trip-an." Inilabas niya ang kulay violet niyang panyo at ginamit ito para punasan ang mga luha ko.
"Don't worry about me, Penny. Totoo naman kasi 'yong sinabi nila, eh. Ang panget ng sinulat kong story. Hindi talaga ako magaling magsulat. Dapat tumigil na lang ako," I said. Mukha namang nainis si Penny sa sinabi ko pero mas pinili niya na lang na ayusin ang buhok ko.
"Don't listen to them, okay? Magaling ka magsulat! Ang ganda-ganda kaya ng mga sinusulat mong story! Also, we're just fifteen years old. There's so much more room for improvement! Sadyang malakas lang talagang mang-asar si Clifford at ang kampon niyang mga jejemon,"she said, trying to comfort me.
I frowned. "Ba't ba kasi ang hilig mang-asar no'ng Clifford na 'yon? Nakakabwisit kaya siya! Nawawalan ako ng self confidence dahil sa kaniya," reklamo ko. Eh kasi naman! Since first year pa ng high school niya ako binibwisit. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi siyang nand'yan para bwisitin ako.
Penny chuckled. "Crush ka kasi no'n, gaga! Kaya laging nagpapapansin," biro niya kaya agad ko siyang nakurot sa braso. Tumawa lang siya kaya hindi ko maiwasang matawa rin. Seeing her smile makes me smile too.
"Oh, ayan! Buti at ngumiti ka na rin. Donʼt worry, iusumbong ko ang mga 'yon doon sa bagong friend ko," sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Sino naman 'yon? Ikaw, ha. Pinagpapalit mo na 'ko," pagda-drama ko with matching hawak sa dibdib for more dramatic effect.
Natawa naman siya. "Gaga! Transferee siya galing pa sa kabilang dako ng Richmond Fields."
"Gwapo ba?" tanong ko. Para naman mabawasan ang inis ko sa mukhang buteteng si Clifford.
Natawa naman siya. "Tomboy siya, Beshiewap," natatawa niyang sabi dahilan para muntik na akong mabilaukan ng laway ko.
"Okay, mukhang may Buttercup na tayo," biro ko.
Pabirong hinampas niya naman ako. "Basta ako si Bubbles, ha? Ikaw si Blossom, bida-bida ka, eh!" biro niya. I just rolled my eyes at her dahilan para matawa siya.