(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
MABILIS ang paglipas ng araw sa puntong hindi ko inaasahan na sa paggising ko ay December na pala. It's already Christmas season!
It's been three months since Mason said to his fans that I'm only a friend for him. Totoo naman, 'di ba? Pero bakit ako nasaktan? Bakit masakit sa puso ko na kaibigan niya lang ako?
Sinubukan ko ang advice na sinabi ni Clifford — na sa tuwing kaharap o kausap ko si Mason, iisipin ko na lang din na kaibigan ko lang siya. The feelings should be mutual for the both of us. Kung kaibigan lang ang tingin niya sa 'kin, edi dapat 'yon din ang tingin ko sa kaniya. Walang labis, walang kulang.
Just friends...
"Akalain mo 'yon, Beshiewap. It's Christmas already!" I snapped out of my thoughts nang pinulupot ni Penny ang kamay niya sa braso ko. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng school patungo sa cafeteria.
The school is filled with Christmas decorations to give the students and teachers the holiday season's vibes. Christmas jingles are playing on the intercom system giving off total Christmas' vibes.
"Kaya nga, eh! Wala pa naman akong pera pang-regalo sa 'yo," pabiro kong sambit.
Bumunot naman siya ng bente pesos sa bag niya at itinapat ito sa 'kin. "Pambili mo ng anything illegal," walang kaemo-emosyon niyang sabi.
Pabirong sumimangot naman ako at umiling-iling. "Kulang 'yan!"
Nanlaki naman ang mga mata niya at ibinalik ang pera sa kaniyang bulsa. "Oh no! Beshiewap, 'wag mo sabihing nadamay ka na nila Clifford at Jago sa pagiging batang hamog nila!" pasaring niya na animo'y talagang alalang-alala kaya natawa na lang ako.
"Si Jago lang!" depensa ko. Ngumisi naman siya kaya bahagya akong kinabahan.
"Uy... ikaw, ah! Dinidepensahan mo pa si Clifford e' mas mukha pa siyang batang hamog kaysa kay Jaguar! Oh my God! My CoFford heart!" pang-aasar niya kaya inirapan ko na lang siya.
"Mason mo nga, ang kalat sa chat, eh!" asar ko pabalik. It took at least one punch to my heart to say that. Kahit kailan talaga, nasasaktan ako kapag inaasar ko siya kay Mason or kapag inaasar ko si Mason sa kaniya. Takte! Ba't ba kasi ako nagkagusto do'n?!
Sumimangot naman siya. Ayaw na ayaw niya kasing inaasar namin si Mason. Pero syempre, go pa rin kami. Ano siya? Exempted sa asaran? No way!
"Hindi kaya! Heʼs formal, even when texting or chatting! Correct punctuations and spelling. Saʼn ka pa?" pagmamayabang niya at nagtaas-baba ng kilay.
Pabirong ngumiwi naman ako. "Ba't sa 'kin, ang ingay at kalat niya?" tanong ko. Madalas kaming nagkaka-chat ni Mason at madalas din siyang nagkaka-annoying mode 'pag magkausap kami. His duality is insane!
Napatingin si Penny sa 'kin gamit ang nanlalaki niyang mga mata. Mayamaya, umiling siya at tumawa. "How can you say so?"
Tumaas ang isang kilay ko at napahalukipkip. "Napaka-kalat niya sa chat, promise. Pagalitan mo si Jago! Siya lang ang kilala kong magtuturo sa kaniya mangulit nang gano'n!" sagot ko at tumawa.