Chapter 13 ~ Hurt

177 4 0
                                    

♪ fool again - westlife ♪

♪ fool again - westlife ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

"KAPAGOD!" sigaw ni Clifford nang matapos sila sa pagpa-practice. Todo palakpak si Penny sa dalawang kupal. Si Remi naman ay naka-thumbs up ang isang kamay habang ang isa nama'y nakataas ang middle finger. Pretty sure na ang thumbs up ay para kay Clifford habang ang middle finger ay para naman kay Jago.

Kinuha ko ang water bottle na ininuman ko at iniabot ito kay Clifford na naglalakad papalapit sa 'kin.

"Naks naman, Cora! Thank you sa souvenir!" pang-aasar niya kaya inirapan ko na lang siya.

He was about to open the bottle when suddenly, may humablot nito mula sa kaniya.

"I saw Cora spit in that bottle a while ago. 'Wag mong inumin," walang kaemo-emosyong sambit ni Mason na siyang kumuha ng bote. Kunot-noong napatingin sa kaniya si Clifford habang ako naman ay tinataasan siya ng kilay.

Hindi ko dinuraan 'yon, ah! Sinungaling na ice demon!

Inabot niya ang isang bagong bote kay Clifford at ibinato ang bote ko papunta sa basurahan. Tumingin muna siya sa 'kin with his usual cold expression bago umalis sa harapan namin at umupo muli sa monobloc na katabi ni Penny. Nagkatinginan naman kami ni Penny. Katulad ko, nalilito siya dahil sa naging kilos ng yelong demonyo.

"Seryoso... dinuraan mo 'yon?" pabulong na tanong ni Clifford habang binubuksan ang boteng ibinigay sa kaniya ni Mason. Dali-dali naman akong umiling.

"Sinungaling ang kupal na 'yon, ah!" inis niyang sabi sabay laklak ng tubig. Walang kaemo-emosyon ko naman siyang tiningnan dahilan para batuhan niya ako ng mapagtanong na tingin.

"Kaya pala iniinom mo 'yang bigay niya," sarcastic kong sambit at tumango-tango. Nanlaki naman ang mga mata niya at napatingin sa bote.

"Naku! Baka mamaya, may lason 'to!" komento niya at itinapon sa nalalapit na basurahan ang bote kahit na nandito pa rin sa loob ng kwarto si Mason na siyang nagbigay sa kaniya nito.

Makalipas ang ilang sandali, bahagya akong napatalon sa gulat nang bigla na lang may kumalabit sa 'kin. Lumingon ako at nakita si Mason na nasa likod ko na pala.

"Come with me to the music room later. Magpa-practice ako," sabi niya, wala man lang kaemo-emosyon ang boses. He doesn't even sound like he's pleasing me to come with him.

I felt that strange feeling again in my stomach. Parang may mga lumilipad. Pretty sure that's those butterflies in your stomach when you have a crush or something. I don't know. Again, I don't know what love is. I just know the idea but not the exact feeling. Baka nga hindi ko crush si Mason, eh! Baka nadadala lang ako sa ugali niya kasi mala-fictional character ang dating niya.

Agad naman akong natameme. To be honest, ayokong makasama siya nang kaming dalawa lang. Baka mas lalong lumala ang weird feeling ko para sa kaniya. Ayokong mas lumalim pa 'yon dahil hindi ako pwedeng ma-in love sa kaniya. My best friend is in love with him for takte's sake!

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon