(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
A/N: Please keep in mind that the characters are literal teenagers (during, letʼs say, 2018) so expect them to be cringey and problematic because... who wasn't? 😭 Just clearing things up if ever some of you are uncomfy with the way things are written here. Itʼs meant to be that way kasi. You are free to drop this book anytime 😊
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
I CANʼT get my sight off of the boy playing a guitar in the music room while singing. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisipang mas lumapit pa. Ginalaw ko ang mga paa ko, ngunit agad itong nanghina dahilan para mapahawak ako sa doorknob ng pinto para hindi ako mawalan ng balanse.
Dahil sa paghawak ko sa doorknob, nakagawa ito ng tunog. Agad na napalingon sa akin ang tumutugtog na si Mason dahilan para mapatigil siya sa pagtugtog. He looked at me with his cold eyes but I can see a hint of shock in his face. Napatayo siya at binitawan ang hawak na gitara.
I was still frozen because of the scenario I just saw. Mason Smith playing a guitar while singing a song would be the death of Penny!
"What are you doing here?" he asked, looking baffled to see me here in his secret place. So the rumors are true — na may tinatagong talent pala ang lalaking ito. Akala ko, pang-ii-snob lang ang kaya niyang gawin, eh.
I put up an angry face and walked towards him. Kinuha ko sa bulsa ko ang nakatuping papel na dinikit niya sa likod ko kanina at iniharap ito sa pagmumukha niya.
"Is this your way of making me stop my plan?!" I shouted at him. His face didn't really express any emotion. He was still looking at me with his cold eyes.
"Well if it is, then youʼre taking it too far, Smith," I shouted once again. Pagkatapos, hinampas ko sa kaniyang dibdib ang papel.
Wala siyang kibo kaya napairap na lang ako at tinalikuran siya. I was about to leave when he suddenly spoke.
"I wonʼt stop until you do," he said. Napalingon naman ako sa kaniya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa 'kin. His hands were in his pocket.
Naglakad siya palapit sa akin ngunit agad naman akong humakbang paatras. We continued doing that until my back touched the wall. Syete! I'm cornered! Sobrang lapit niya sa 'kin to the point that I can almost feel his breath on my face.
"Why are you doing this?" he asked, his eyes still focused on me. Sinusubukan niyang makipag-eye contact but my eyes were trying their best to avoid his icy gaze.
"Doing what?" I asked back as if hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Para akong nawawala sa sarili dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin.
"Stalking me and your best friend," he coldly answered. I can feel his breath on my face for takte's sake! Buti na lang at mabango ang hininga niya.
Sinubukan kong ilayo ang mukha ko ngunit mas inilapit naman niya ang sa kaniya. Mas matangkad siya at hanggang leeg niya lang ako kaya nakayuko siya habang nakatingin sa 'kin.