(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
♪ kung 'di rin lang ikaw - december avenue feat. moira dela torre ♪
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
LAKAD-TAKBO ako nang makarating kami ni Clifford sa loob ng Richmond Medical Center. Dumiretso ako sa information center para magtanong kung nasaan ang room na kinaroroonan ni Dad. Nang malaman ko na kung nasaan, agad kaming dumiretso ni Clifford doon.
I felt so anxious that I could already feel my heart punding so fast in my chest out of both panic and worry. Pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko sa 'king dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
I hated Dad. Yes, I hated him for treating me coldly for nearly eighteen years of my life. I wanted to die every single time he says something very hurtful to me. I hated him even more when I found out that Mom didn't die giving birth to me and I was blaming myself all my life for a thing that I didnʼt do.
Pero ngayon, gusto kong magdasal sa lahat ng santo na sana... sana 'wag siyang mawala sa 'kin. I hated him, but I still love him. Ayokong mawala siya sa 'kin nang ganito kaaga.
When we got to his room, naabutan namin ang ilang nurse at doktor na nakabantay sa kaniya. They looked at us, but my eyes were fixated on my father who was unconscious, lying in the bed with a few scratches on his face.
Akmang papasok na sana ako sa loob nang senyasan ako ng doktot na tumigil. Hindi ko sana siya susundin pero agad akong pinigilan ng doktor. Lumabas naman ang doktor sa kwarto kasama ang ilang mga nurse para daluhan kami.
"Doc, Iʼm the patientʼs daughter, Coraline Olvidar. How is he?!" giit ko, hindi maitago ang nararamdaman kong kaba at pag-aalala.
He looked at Dad through the glass window beside us. "He's not in a critical condition anymore. Though, maraming dugo ang nawala sa kaniya. Naubusan kami ng stock ng A+ blood para sa kaniya kung kayaʼt hindi sapat ang dugong nasa katawan niya ngayon."
Napatingin ako kay Dad na walang malay at puro galos. Gone was his strict and intimidating aura. He looked so peaceful while lying unconscious in the bed.
"You can take my blood, Doc. Take a lot," I said, not looking away from Dad.
"Cora, sigurado ka ba d'yan?" tanong ni Clifford. He gently rubbed my shoulders, trying to calm me down.
Walang pagdadalawang-isip akong tumango. "If thatʼs what it takes for him to be okay," I answered and looked at the doctor.
He forced a smile and led me the way to another room. with a nurse. Naiwan naman si Clifford sa tapat ng kwarto ni Dad kasama ang ilan pang mga nurse.
The moment we got there, pinaupo nila ako at hinanda. The nurse steadied my arm, wiping it with something that maybe makes the skin vulnerable. Kinuha niya na ang syringe niya at itinusok ito sa brasi ko. Napakagat-labi na lang ako dala ng kirot.