(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
DAHAN-DAHAN akong naglakad papasok ng bahay. Hinatid ako ni Mason pauwi pagkatapos naming magpalipas ng ilang minuto sa hill ng Richmond Fields. He even wanted to enter the house pero pinigilan ko na siya. I have to face the consequences of my actions, alone.
I know that Dad would be mad at me for going home in the morning, pero wala naman na akong magagawa pa. Ano'ng gagawin ko? Stay with Mason in his apartment room? Heck, no! Edi nagmukhang nagtanan na kami.
Kinuha ko ang spare keys ko na nakatago sa loob ng maliit kong bag. It's already six in the morning pero suot ko pa rin ang gown na suot ko kagabi.
Great. Just great.
I swung the door open at dahan-dahang naglakad papasok. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang mga ilaw. On the couch was Dad, fuming red with anger while looking at me.
Bigla akong kinabahan kasabay ng panginginig ng mga kamay at tuhod ko. Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Angry might be an understatement to describe him right now. He looks furious — really, really furious.
"D-Dad—" Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang bigla akong nakatanggap ng isang malakas na sampal sa mukha galing sa kaniya. In an instant, my eyes began to brim with tears.
"You worthless idiot! Wala kang kwenta! Do you have any idea what you just did?! You fought with Penelope! The Princess Penelope Fletcher of Richmond Fields! Wala ka talagang kwenta!" He slapped me again and this time, I found myself tumbling down to the floor.
Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. I didnʼt feel any pain from Dadʼs slap. Instead, it felt like he was slapping the reality on me with his hurtful words.
Dad, ako 'yong anak mo. Ako ang kampihan mo...
I wanted him to defend me. I wanted him to understand that amidst the pain I caused Penny, Iʼm hurting too.
I always did.
Pero ano ba'ng magagawa ko?
Tama naman siya, eh.
Kasalanan ko ang lahat.
"D-Dad... I-I'm sorry, Dad..." I tried to speak between my sobs. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya. I was clouded with fear and guilt because of my actions.
"Sorry?! Hindi mo ba alam na kalat na sa buong Richmond Fields ang away niyong dalawa?! Someone recorded your fight! That video is viral all over the town! Hindi mo ba alam kung anong gulo ang kinasangkutan mo?!" Dad shouted, his anger seems to never end. Lumuhod siya sa isang tuhod upang maging magkasing-pantay kami.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa 'kin. "Penelope ditched her grand debut because of you! Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nahahanap. Only God knows where she is right now!"