(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
THE next morning, natagpuan ko ang sarili kong naglalakad ng mag-isa sa hallway. Mahangin ngayon dahil it's almost the start of ber months. Kung kaya't sa bawat ihip ng hangin ay ang pagtangay nito sa mahaba kong buhok.
"Coraaaaa!" Napangiwi ako nang marinig ang boses ng isang tomboy na tinatawag ang pangalan ko at mukhang papalapit na siya sa 'kin. Bago pa man ako makatakas, agad kong naramdaman ang braso niyang umakbay sa 'kin kaya napabuntong-hininga na lamang ako.
"Huli ka, aswang!" sigaw niya kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Nakangiti pa nang malapad ang tomboy, mukha namang aso. Wait... bakit parang nagiging magkamukha na sila ni Jago?!
"Nahuli ako ng baliw!" sigaw ko pabalik at ginaya pa ang tono ng boses niya. Bumaliktad naman ang halos abot tenga niyang ngiti kanina.
"'Wag mo nga akong tawaging gano'n!" pagmamaktol niya na parang isang batang handa nang mag-tantrums.
Tumawa naman ako. 'Yon kasi ang pang-asar ni Jago sa kaniya. Ewan ko ba do'n sa unggoy na 'yon. Minsan, ang sweet-sweet niya kay Remi kaya naaasar sa kaniya 'to. Minsan naman, ang harsh-harsh niya kaya minsan nagkaka-roasting session na sila ni Remi. Wala rin namang nagpapatalo kaya halos masiraan na ako ng bait dahil sa kanila.
"Ano ba kasing ginagawa mo at lapit ka nang lapit sa 'kin? Magseselos 'yong unggoy mo. Layas! Chupi!" pagtataboy ko sa kaniya kaso mas lalo niya lang akong inakbayan.
"Medyo masakit 'yon, ah! Taena, Cora, nakakasakit ka na!" pagda-drama niya na may kasama pang hawak-dibdib effect.
"Masakit na kung masakit! Mas masakit pa nga 'yong mga bangayan ninyo ni Jago, eh! Ako 'yong nasasaktan sa mga sinasabi niyo, eh!" pasaring ko.
Sarcastic naman siyang tumawa. "Kung sa tingin mo masakit na 'yon, tingnan mo 'to, 'tol!" magiliw niyang sambit at tinanggal ang pagkakaakbay sa 'kin. Tinaas niya ang manggas ng suot niyang white t-shirt. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sabay ngiwi nang makita ang isang malaking peklat sa braso niya.
"Saan naman nadali 'yan?!" tanong ko habang nakatingin pa rin sa peklat niya. Para siyang nasaksak. Wait! Paano kung gano'n nga? I don't have any background check on Remi. Ang alam ko lang, tomboy siya at nakikitira sa bahay ng tita niya dahil OFW ang nanay niya. Wala nang iba. Paano kung nasangkot pala siya sa patayan dati?! Katulad ng mga nasa mystery/thriller stories! 'Yong may mga killers! Pa'no kung isa pala siyang survivor?! O baka naman, isa siyang killer?! Syete, psychopath yata 'tong tomboy na 'to, eh!
"Uy, pre! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Nagising ako sa realidad nang bigla niya akong binatukan.
"Aray! Bastos kang psychopath ka!" naiinis kong sigaw dahilan para kunot-noo niya akong tingnan.
"Psychopath? Pre, hindi ako baliw. Baliw!" sigaw niya pabalik kaya bahagyang kumalma ang isipan ko. Okay, safe. Hindi siya mamamatay-tao. Hindi naman sinungaling si Remi, eh.