Chapter 44 ~ Giving Chances

155 4 0
                                    

♪ sa'yo - munimuni ♪

♪ sa'yo - munimuni ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

HINDI ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Days passed into weeks until I realized that Iʼve been staying in the hospital for a month now. I've been taking my chemotherapy treatment for a month now but instead of feeling better, I could feel myself getting weaker as each day passes by.

Despite my impending demise, I still manage to show a smile to my friends and Dad. Ayokong makita nilang nahihirapan ako dahil alam kong kung nahihirapan ako, nahihirapan din sila.

I donʼt want to hurt the people I love anymore. Iʼve already caused them so much pain, so as long as I could take it, then I would — just so they wonʼt have to.

"Alam mo, Jago, napakagago mo pero ikaw ang may pinakamagagandang nire-recommend na movie sa grupong 'to," giit ni Clifford habang ngumunguya pa ng popcorn na para bang isang bata na nasa sinehan.

All my friends are here in my hospital room for our weekly movie night. Actually, araw-araw nila akong binibisita to the point na gusto ko nang magreklamo na nagsasawa na ako sa mga mukha nila. Minsan kasi, my normal day would end up being a day filled with endless banters and laughter. Not that Iʼm complaining though. Mas okay na 'yon kaysa ma-stuck lang akong nakatingin sa kisame for hours.

"Ang dami ko namang role sa grupong 'to." Humalakhak si Jago at sinimulang itaas ang kaniyang mga daliri. "Emotional punching bag, tapunan ng sama ng loob, best movie recommender, at 'wag nating kalimutan — pinaka-poging member ng KaTuTa!" Nag-pogi pose pa siya dahilan para agad kaming mag-boo at pagbabatuhin siya ng kung ano-ano.

"Wala na! Gawa na ng bagong GC!" pang-aasar ni Clifford na sinabayan pa ng mala-demonyong halakhak ni Remi.

Nakaupo silang tatlo sa sahig kasama ang gago. Naglatag sila ng blanket na kanina pa naming ikinakangiwi ni Penny na nasa tabi ko. May mga dala pa silang pagkain at inumin na nakalagay sa loob ng picnic basket. Gawin ba naman nilang park ang hospital room ko!

Mayamaya, naubusan na kami ng pagkain kung kayaʼt napagdesisyunan ng tatlo na bumili sa labas. Naiwan naman kaming dalawa ni Penny sa loob ng kwarto. Pinause pa namin ang movie dahil todo reklamo ang tatlo na hintayin namin sila.

"You doing okay, Bitchshiewap?" Penny asked, staring at the paused movie on the screen.

"Yep!" I beamed. "Why wouldnʼt I be ba?"

"Kasi nakita mo si Jago. Letʼs face it, Bitchshiewap, his face is like the bagua in that one horror movie. Nakakamatay tingnan." Penny jokingly shivered in her seat dahilan para mapahagalpak ako ng tawa.

"But seriously though..." She scooched closer to me, clinging to my arm. "Are you thinking about... a certain someone." Nagtaas-baba pa siya ng kilay kaya natawa na lang ako.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon