(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
THE next morning, I came to school totally looking like Iʼm having a hangover. Maybe because Iʼm used to having nine hours of sleep instead of seven? How 'bout that?
Namamaga ang mga mata ko, probably from being so tired or crying myself to sleep. I donʼt know. I even forgot to brush my hair dahil sa sobrang kalutangan ko. Mukha akong naka-drugs!
Pumasok ako sa school ng seven-forty so I technically have thirty minutes pa before attending classes. Binuksan ko ang locker ko at nilagay sa loob ang mga librong hindi ko gagamitin ngayong araw due to the alternate schedule. Naalala ko tuloy iyong ginawa ng hayop na Mason na 'yon sa inosente kong locker.
Isinarado ko na ang locker nang matapos ako sa paglalagay. Pero saktong pagkasara ko, bahagya akong napatalon sa gulat nang makita si Clifford na nasa tabi ko na ngayon habang nakangisi.
"Good morning, Co — oh my gas! Nag-drugs ka ba?!" pang-aasar niya and even faked a shocked expression. Inirapan ko lang siya at sinamaan ng tingin.
"Same question goes to you," ganti ko, pertaining to the fact na gaya ko, mukha rin siyang isang zombie na naka-drugs.
"Okay. Shut up na ako." Wala na siyang ibang nagawa pa kundi senyasan ang bibig niya na manahimik by zipping it.
Nag-thumbs up na lamang ako at naglakad papunta sa cafeteria. I didnʼt have breakfast so dito ako babawi. And while I was walking, nakabuntot lang sa 'kin ang isang tukmol na patalon-talon pa at mukhang good mood. May crush 'to! Sure ako.
"Kumusta si Jago? Havenʼt seen him around," tanong ko. Sa aming lahat kasi, siya ang pinakamalapit kay Jago. Theyʼre like brothers. Parehas silang gago, eh. Oops!
"Hindi muna siya pinapasok ng pamilya niya. Grounded din ang unggoy kaya hindi muna siya makakagala. Bayani pa kasi, eh!" sagot ni Cliff dahilan para matawa na lang ako.
"Kawawang matsing..." I muttered. We were worried sick about him, and I guess itʼs better for him to stay at home for now. Baka masuntok pa siya ni Remi 'pag magkasama sila. Mahirap na at may sugat pa siya.
"Bobo, eh," dagdag pa ni Cliff na may kasamang hagikhik kaya mas lalo lang akong natawa.
"Baʼt ka nga pala good mood na good mood?" tanong ko. Kanina pa kasi siya patalon-talon habang naglalakad. Wagas din siyang makangiti. Mukha tuloy siyang aso.
"May mga bagong contest kasi ngayon dito sa Stanford High. Isa na doʼn ang Stanford Highʼs Dance Idol Search. Sasali kami ni Jago doʼn!" masaya niyang sabi na para bang isang batang binigyan ng lollipop. Napangiti naman ako.
"Goodluck, Bangin!" sabi ko at agad naman siyang nag-thumbs up. Nang makarating kami sa loob ng cafeteria, bumili na ako ng makakain at naupo sa bakanteng lamesa kasama si Clifford.
"Oo nga pala, Cora! Meron ding Stanford Highʼs Singing Idol Search. Baka lang gusto mong sumali. Magaling ka namang kumanta, eh. Lalo na last year—" Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang agad kong maibuga ang iniinom kong tubig sa pagmumukha niya. Napapikit naman siya at pinunasan ang mukha gamit ang likod ng kaniyang kamay.