(WRITTEN SERIES #1)
"I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!"
As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORA
A week later...
IMINULAT ko ang mga mata ko nang marinig ko ang paulit-ulit na tunog na mistulang nanggagaling lang sa tabi ko. Inis akong bumangon at hinanap ang phone ko na kanina pang tumutunog. Nang mahanap, tinitigan ko ito.
Dad's calling, again.
Katulad ng dati, pinabayaan ko na lamang ito at bumangon na mula sa kama kung saan ako nakahiga.
"You really donʼt have any plans to talk to your dad, do you?" I heard Penny's voice kaya napatingin ako sa kaniya at nakita siyang nakatayo sa pintuan ng banyo. Sheʼs dressed in her semi-formal clothes but her hair was still wet. Mukhang kakaligo niya lang.
"Not now, and not soon," I firmly said at tumayo. Nagtungo ako sa loob ng banyo at nagsipilyo sa harapan ng salamin.
"You do know your dad is very clever, right? Sigurado akong sa mga susunod na araw, pupuntahan ka na niya dito at pauuwiin," Penny said, peeking at me through the mirrorʼs reflection.
I just sighed and gargled. It's already been a week since I left the house. After kong mag-enroll sa Richmond University, agad kong kinuha ang mga gamit ko sa bahay at nakitita muna dito sa condo unit ni Penny.
"Pabayaan mo siya... I just don't want him to decide for my future. Yes, pwede niya akong gabayan pero 'wag naman sana niyang diktahan kung anong gusto kong gawin sa buhay ko," I said. "After all, wala namang masama sa pagsusulat. Hindi naman ako magdodroga or papatay ng tao, eh."
Bumuntong-hininga na lang si Penny at lumabas ng banyo habang naghilamos naman ako.
Truth be told, natatakot ako. Pakiramdam ko kasi, wala na akong mukhang maihaharap kay Dad. I said everything that I ever wanted to say to him. It felt like I was a bad person for defending my passion — for defending the future I want for myself.
After washing my face, lumabas na ako ng banyo at naghanap ng makakain sa kusina. Penny, on the other hand, is busy fixing herself.
"Saan ka pupunta?" I asked while eating the cereals I found.
"Sa binyag ng pamangkin ni Jago," sagot niya dahilan para bahagyang manlaki ang mga mata ko. Oo nga pala! May pamangkin na si Jago. Ngayon ang araw ng binyag ng tiyanak na 'yon. Sana nga lang at hindi siya magmana sa tito niyang unggoy. I'll pray for that.
"Teka! Ba't hindi ako imbitado?!" nalilito kong tanong.
Kunot-noong napatingin naman si Penny sa 'kin. "Ha? 'Di ka ba tinext ni Jago noʼng isang araw? Have you forgotten?"
Napanganga naman ako habang pilit na inaalala kung inimbitahan ba talaga ako ng unggoy. Wait, kailan ba 'yon? Parang mga — ay, oo nga, 'no?!
"Takte ka! Ba't 'di mo agad sinabi?!" Para naman akong kangaroo na napatalon sa kinauupuan ko. Dali-dali akong nagtungo sa banyo at nagsimulang maligo.