♪ kapag tumibok ang puso - janella salvador (cover) ♪
CORA
AS the clock strikes three, the bell rang, indicating the end of our class. I stood up and carried my stuff as I walked my way out of the classroom.
"Hey! Wait up! Wait for me!" Napatigil ako sa paglalakad at bago pa ako makalabas ng silid, lumingon ako kay Mason na siyang tumawag sa 'kin. Nag-aayos siya ng gamit niya pero parang hindi naman siya nagmamadali.
"Nagpapahintay ka pero ayaw mo pang dalian!" bulyaw ko sa kaniya at nagpameywang. Wala nang ibang tao dito sa room maliban sa 'ming dalawa. Mas mabilis pa kasi kay Flash na umalis ang mga kaklase namin.
Mas lalo akong nainis nang mag-smirk lamang siya at mas binagalan pa ang paggalaw. I casually rolled my eyes at him and turned around. Akmang lalabas na ako sa kwarto nang may humila sa braso ko. Lumingon ako at bahagyang nagulat nang makitang nasa likuran ko na pala siya.
"Ang bagal mo!" bulyaw niya sa 'kin. Ginaya niya pa ang tono ng pananalita ko with matching hawak bewang pa. Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay. Ako pa talaga, ha?!
"Takte ka talaga," sabi ko na lamang at lumabas na ng classroom. Nakasunod naman sa 'kin ang ice demon.
Naglalakad kami sa hallway nang sa isang iglap, biglang dumating si Clifford at hinila ang kamay ko. Hingal na hingal siya na para bang galing sa pagtakbo.
"Cora, may emergency! Sumama ka sa 'kin!" natataranta niyang sabi kaya hindi ko maiwasang mataranta rin. What is happening?!
Akmang itatakbo niya na ako palayo nang hinawakan naman ni Mason ang kabila kong kamay. Napatingin kami ni Clifford sa kaniya, bakas sa mukha ng ice demon na may gusto siyang sabihin.
"Pre, ano ba?! Bitaw!" Napatingin ako kay Clifford na halos magkasalubong na ang mga kilay habang nakatingin kay Mason na nakahawak sa isa ko pang kamay.
Mason looked at him with a bored face. Meanwhile, Clifford on the other hand, is trying to keep his temper.
"Ano ba'ng problema mo?!" naiinis na tanong ni Cliff sa kaniya. I can feel the tension rising between the two of them. Clifford's usually calm kaya nakakapanibagong makita siyang naiinis.
Tumingin lang sa kaniya si Mason with a deadpan look. I looked at Clifford's hands as it turned into clenched fists.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kanilang dalawa, pero para hindi na ito mas lumala pa, ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak ni Mason sa kamay ko.
"Umayos ka pre, ha?" Hinawakan ko na lamang ang braso ni Cliff para pakalmahin siya. I can see him throwing daggering looks at Mason, but the latter only looked at him as if he was bored.
"Letʼs go, Cliff," pagpapakalma ko kay Clifford at tumingin kay Mason. "Mason, umuwi ka na..." kalmado kong sabi at hinila na si Cliff palayo.
Nakakailang hakbang pa lamang kami ni Cliff nang maisipan kong lingunin si Mason. Nang lumigon ako sa kaniya, hindi ko maiwasang kilabutan at malito nang makitang napakasama ng tingin niya sa amin — lalong-lalo na kay Clifford.
BINABASA MO ANG
Writing their Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #1) "I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!" As a frustrated aspiring writer who just joined a writing contest in their school, Cora thought of the most brilliant wa...