Chapter 4 ~ Helping Hands

209 6 0
                                    

CORA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

SIX-TWENTY in the morning. Maaga akong gumising para pumasok. Seven o' clock ang usual na gising ko dahil eight ang oras ng pasok ko, but this morning is different. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang pumasok ngayon nang maaga.

Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. When finished, isinakbit ko ang bag ko at bumaba papuntang living room. Tulog pa si Dad ng mga ganitong oras kaya nag-iwan na lang ako ng sticky note sa fridge. Ayoko na ring gambalain pa ang tulog niya. Alam ko namang pagod siya dahil sa trabaho.

Lumabas na ako ng bahay at naghintay ng masasakyan na tricycle. Habang naghihintay, nag-isip ako ng mga paraan para magkalapit sila Mason at Penny.

Paano ko kaya mapapahulog ang yelong 'yon sa best friend ko? Hmm...

Maybe, kapag mas pinaganda pa si Penny? No! Enough na ang ganda ni Penny. Tsaka, parang hindi naman ganda ang hanap ni Mason. Aanhin mo pa ang ganda kung snob naman ang pinopormahan mo, 'di ba?

Kung gawin kaya naming semi-tomboy si Penny? I mean, tingnan mo si Remi. Naging tomboy lang, nagkaroon na ng Jago sa buhay! Baka 'pag naging boyish si Penny ay mapasakan'ya na si Mason. Scrap that! What a stupid idea.

Argh! Paano ba?!

Nagulat ako nang biglang may puting van na huminto sa harapan ko. Bigla akong kinabahan dahil do'n. Syete! Ito 'yong mga van na nangunguha ng kabataan 'tapos ibebenta nila 'yong lamang loob sa black market! No! Run, Cora! Run!

Tatakbo na sana ako nang bonggang-bongga nang bigla na lamang bumaba ang bintana ng passenger seat. "Cora! Sumabay ka na sa 'kin!" tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses.

I squinted my eyes to see if that person is the person I was thinking about.

"Penny?" usal ko nang makita ang nakangiting mukha ni Penny. As usual, ang ganda-ganda niya. How could Mason ignore this goddess-looking girl?

"Sabay ka na!" aya niya. Bumaba naman ang kaniyang driver sa van at binuksan ang pinto ng backseat.

Hiyang-hiya naman akong pumasok sa loob ng van. Sinarado na ng driver ang pinto at bumalik sa driver's seat. Ang lamig ng aircon at ang laki ng interior ng loob ng sasakyan. Yayamanin talaga si Mommy Penny!

"Parang napaaga ka yata ng pasok, Beshiewap?" tanong ni Penny na sinilip ako sa likod. Ngumiti naman ako sa kaniya at umayos ng upo.

"Napag-trip-an ko lang, eh," I giggled.

Ngumiti naman siya at nagsimula na kaming magkwentuhan. Pinag-usapan namin 'yong messages namin kahapon tungkol kay Mason. Nagkwento pa siya all throughout the ride tungkol sa past nila ni Mason.

Mason dito... Mason d'yan... Mason sa lahat!

Puro Mason! Argh!

Kinuwento niya 'yong mga memories nilang dalawa ni Mason noong mga bata pa sila. Lagi raw siya nitong pinagtatanggol mula sa mga bully. Lapitin daw kasi si Penny ng bullies dati dahil loner siya.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon