Chapter 25 ~ Penny's Birthday

164 4 0
                                    

♪ ilysb - lany ♪

♪ ilysb - lany ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

Weeks later...

NAKATULALA lang ako habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa kalsada, lost in my own thoughts. I can't believe na Bagong Taon na pero kasabay nito ang mga bagong problema.

Kung may remote lang na makakapag-rewind ng lahat, I'd go back to the day my parents were making love. I'd ask them to use a condom so I wouldn't be brought to this world.

Kasi kung hindi ako nabuhay, sana buhay pa si Mom at masaya pa si Dad.

It's all my fault...

It was always my fault.

"Uy! Lalim na naman ng iniisip nito, oh!" Napatingin ako kay Clifford na siyang nagsalita. Nakangiti siyang umupo sa tapat ko, ang lamesa ang nagsisilbing pagitan namin. Inabot niya sa 'kin ang hawak niyang strawberry ice cream. Doon ko naalala na nasa isang ice cream parlor pala kaming dalawa. Sinundo niya ako sa bahay para dalhin dito.

"'Wag ka nang malungkot. Kaya nga kita dinala dito para gumaan ang pakiramdam mo, eh," he said as he licked his mango-flavored ice cream. Napabuntong-hininga naman ako at sinimulang kainin din ang ice cream ko.

"I can't help it. Dahil sa ginawa ko, galit sa 'kin ngayon si Remi," depensa ko at kinagat ang cone.

"Sinubukan mo bang kausapin siya?" he asked.

Kinuwento ko kasi sa kanilang lahat ang nangyari noong Bagong Taon sa bahay nila Remi. Simula noong mangyari 'yon, hindi na ako kinausap pa ni Remi at kung umakto siya, parang hangin lang ako sa paningin niya. Yes, sumasama siya sa 'min pero pagdating sa 'kin, parang hindi na ako nag-e-exist sa kaniya.

It just hurts to see your closest friend become a stranger.

"Paano ko kakausapin kung iwas siya nang iwas sa 'kin?" problemado kong sambit at sinapo ang noo ko. Syete! I never thought that helping Tito Ed would result in Remi being mad at me. Galit na nga siya sa 'kin, galit pa siya kay Mason!

"Sinubukan mo na bang lapitan man lang?" Clifford suggested, taking a bite of his ice cream. Buti at hindi siya nangingilo.

Umiling lang ako. "Iniiwasan nga ako, eh! Para kaming magnet. Sa tuwing lumalapit ako, lumalayo siya." Nakasimangot kong kinagat ang ice cream ko pero nangilo lang ako dahil sa lamig.

Clifford chuckled so I gave him a death glare, dahilan para nakangising mag-peace sign siya sa 'kin. Inirapan ko lang siya at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain ng ice cream.

"'Wag mo na munang problemahin 'yan! Problemahin mo kung ano'ng ireregalo mo kay Penny," giit ni Clifford dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Syete! Oo nga pala! Birthday na ni Penny bukas. Take note, hindi lang 'yon simpleng birthday dahil it's her 18th birthday! My Mommy Penny is finally turning into a legal adult!

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon