Chapter 7 ~ You're my enemy

209 5 0
                                    

♪ torete - moira dela torre (cover) ♪

♪ torete - moira dela torre (cover) ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CORA

IBINABA ko ang hawak kong menu pati na rin ang suot kong shades para makakita ng maayos. Suot-suot ang shades at cap na dala-dala ni Remi, nauna na akong pumasok sa loob ng restaurant. Buti na lang at hindi ako napansin nina Penny at Mason. Nakaupo ako sa pang-isahang tao na table, hindi kalayuan sa lamesa ng dalawang binabantayan ko.

Tumingin ako sa direksyon nila Jago at Remi na nasa labas pa ng restaurant, hinihintay ang senyas ko kung kailan sila papasok sa loob. Makalipas ang ilang sandali, inilapag ko na ang suot kong sumbrero sa lamesa bilang senyas. Nakita naman iyon ni Remi kaya kaagad niyang hinila si Jago papasok.

I hope they can pull this act together...

"Remibabes! Sila Nay Penny ba 'yon?" Jago said while pointing at Penny and Masonʼs table. Remi looked at him, unamused na para bang sinasabi sa kaniya na 'Wow. Nice acting, pre.ʼ

Dahil sa lakas ng boses ni Jago, agad na napatingin sa kanila si Penny. Her eyes widened in shock as her lips formed into a smile.

"Remi! Jago! Nandito pala kayo?" nakangiti niyang bati sa dalawa. Her smile is so contagious that I couldnʼt help but smile too. She really deserves happiness.

"Kami dapat ang nagtatanong sa 'yo n'yan, Penelopota! Hindi mo sinasabi sa 'min na grabehan na ang mga damoves mo kay Ma—" Hindi na naituloy ni Remi ang sinasabi niya when Penny signaled her to shut up. Agad namang napakagat-labi si Remi at tumango bilang tugon.

Tumingin si Penny kay Mason at ibinalik ang tingin sa dalawa. "Upo na kayo dito sa tabi namin! Libre ko na rin kayo! Uhm... Kuya!" Agad silang inasikaso ni Penny habang nakita ko namang saglit na napasulyap si Mason sa kanila bago ibalik ang atensyon sa pagkain.

Pinuntahan sila ng waiter at kinuha ng upuan sina Remi at Jago. Magkatapatan lang sila. Magkatapat si Jago at Remi habang si Mason at Penny naman ang magkatapat.

Looks like a double date to me!

"Kayo, ah! Nagdi-date na pala kayo, hindi kayo nagsasabi!" pangangasar ni Penny sa dalawa. Agad naman umarteng nasusuka si Remi na tumitingin sa menu habang si Jago naman ay wagas kung makangiti. Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Remi na nasa lamesa.

"Tagal na!" giit ni Jago kaya agad na itinakwil ni Remi ang kamay niya sa pagkakahawak nito.

"Ulol!" mura naman sa kaniya ni Remi.

"Donʼt be rude. Thereʼs food in front of you" Nagulat silang tatlo nang biglang magsalita si Mason. Mahinahon at kalmado ang pagkakasabi niya ngunit bakas na bakas ang lamig sa kaniyang boses.

Woah...

"S-Sorry..." usal ni Remi na mukhang hindi pa rin makapaniwala na nagsalita si Mason.

Ano baʼng meron kapag nagsasalita si Mason? Hindi naman siya pipi para maging sobrang espesyal kapag nagsalita siya. Bakit laging ganoʼn ang mga reaksyon nila?

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon