Chapter 19 ~ Just Friends

172 4 0
                                    

♪ mahal kita pero - janella salvador ♪

"WE did great on our performance, Beshiewap! Lalo ka na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WE did great on our performance, Beshiewap! Lalo ka na. Don't worry, you'll nail this pageant!" Penny encouraged me, smiling through the mirror in front of us. I heaved a sigh and smiled, my lips clothed with hot red lipstick.

A day passed after my talent portion at agad kong pinagsisihan ang ginawa ko. Nag-trending na naman ako sa Stanford High — for the second time and for the same reason!

Pinanood sa 'kin ni Jago ang performance namin na ni-record niya. I couldn't help not to feel embarrassed. Mas hataw na hataw ako dito kaysa noong last year. Ako talaga ang highlight sa performance namin. Nagmukha talagang backup dancers si Remi at Penny dahil talagang hataw na hataw ako sa sayaw pati na rin sa pagkanta.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako at magiging proud sa sarili ko o masasapak ko si Jago.

Kahit si Clifford, todo asar sa 'kin! Parang noong nakaraang araw lang, ang sweet nila sa 'kin kasi birthday ko. Ngayon, back to pagiging demonyo na sila. Hayst!

"I feel so embarrassed," I voiced out my thoughts. Penny just smiled and fixed my hair.

Today is the actual contest. Rarampa na kami!

Natatakot ako sa maraming posibilidad na tumatakbo sa isip ko. Sana, madapa silang lahat!

"Don't be. Just relax," pagpapakalma sa 'kin ni Penny but I didn't budge. I cupped my face as I tried to calm myself down.

"You want me to slap your face, Beshiewap?" Napatingin ako kay Penny. She was smiling but I could sense that she really wanted to slap me. Hayst! She really hates it when I put myself down.

"Argh! Nakakahiya talaga!" Sumigaw na lamang ako para mabawasan ang inis ko.

"Sa tingin mo ba, ikaw lang?" Napatingin ako sa sulok ng salamin at nakita ko si Remi na nakatayo malapit sa pintuan ng dressing room ko. Lumapit siya sa 'min habang nakabusangot.

"Whereʼs the shirt, Rems?" pang-aasar ni Penny. Agad naman siyang binatukan ni Remi kaya ginantihan niya ito ng hampas sa braso. Nagawa pa nilang magbugbugan habang ako dito, malapit nang mag-hyperventilate!

"Uhm... May kinakabahan po dito. Baka naman pwedeng i-comfort?" pagpaparinig ko kaya agad silang napatingin sa 'kin. Bumungisngis sila at agad akong niyakap. Binatukan pa ako ni Remi kahit naka-curlers ang buhok ko. Takte!

Napatingin na lang ako sa sarili ko sa salamin. Naka-curlers ang ilang hibla ng buhok ko para kumulot ito. Nakasuot ako ng white t-shirt na may imprinted na logo ng Stanfordian, naka-tucked in 'yon sa jeans kong suot para makita ang ganda ng hubog ng bewang ko. In-advice pa sa 'kin ng adviser namin na landian ang paglalakad para raw babaeng-babae ang kilusan. Kailangan bang maging malambot para maging babaeng-babae?!

"Ang kapal naman ng makeup mo sa kaniya, Penny!" pasaring ni Remi habang nakatingin sa mukha ko sa pamamagitan ng salamin.

Lumapit naman sa akin si Penny at tiningnan ang mukha ko sa salamin. "Hindi kaya! Grabe naman 'to! Mas makapal pa nga mukha mo kaysa d'yan, eh," bwelta ni Penny kaya inirapan lang siya ng tomboy.

Writing their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon