Nagising si Sam noong maramdaman niya ang malikot na kamay ni John na nasa loob ng pang itaas niyang damit, pinisil pisil nito ang isa niyang nipple. Hinila niya ang kamay nito palabas ng damit. Umingit ito. At tumihaya. Yumakap si Sam sa nobyo.
“Wake up na” bulong niya sa tainga nito
Tulog na tulog pa rin ito, pareho din sila ng kulay at design ng pajamas. Blue na may pokemon characters.
Isiniksik ni Sam ang muka niya sa leeg ng nobyo. Hinalikan niya ang leeg nito
“Bro kailangan mo ng umuwi”
“Ano oras na ba?” nanatiling nakapikit na tanong ni John
Bumangon si Sam at dinampot ang cellphone na nakapatong sa maliit na table sa gilid ng kama niya.
“5:30 am”
“Ok..ay” sagot nito at ipinagpatuloy ang pagtulog, yakap yakap ang unan ni Sam.
“Bro, may pasok pa tayo” yugyog pa ni Sam sa balikat ni John
Nainis na si John sa kakapilit ni Sam sa kanya, napilitan na siyang bumangon ngunit mahaba ang nguso niya at hindi binigyan ng tingin si Sam, hindi rin siya nagsalita, tinanggal niya ang pang itaas upang magpalit ng damit niya pauwi.
“Bro galit ka ba sakin” puna ni Sam nang mapansin ang muka nito, maga pa ang mga mata nito buhat ng kulang na tulog dahil sa paglalaro ng mobile games.
Hindi ito sumagot, hindi rin sila nailang sa isa’t isa kahit pa sunod na tinanggal ni John ang pajama pants sa harap ni Sam, sinundan pa nga ni Sam ng tingin ang pagbaba ng pants nito.
“Bro” hawak niya sa magkabilang pisngi nito.
Huminto si John sa pagtanggal ng nahubad na pajama sa dulo ng mga paa niya. Tanging boxer brief na lang ang suot nito.
“Smile ka naman”
Hindi ngumiti si John
Naibaba ni Sam ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ng nobyo, iniyapos niya ito sa baywang nito. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito. Idinikit niya ang katawan dito kahit pa alam niyang di magandang ideya lalo pa sa nag iisang suot lang ng nobyo. Weird man sa pakiramdam niya na maramdaman ang nasa ibaba nito ay tila nasanay na siya sa gabi gabi nilang pagyayakapan.
Humalik siya sa pisngi nito, kilala niya ang nobyo di ganun kadali pahupain ang galit nito. Ngayong dalawang taon na ang relasyon nila masasabi niyang nag improve din si John. Madali pa din itong mainis ngunit tatahimik nalang ito. Kaya di na lumalaki ang away nila, nababago naman niya agad ang mood nito sa lambing niya.
Hindi pumayag ang ama at si David na bumalik siya sa dorm, kaya si John nalang ang pumupunta sa kanya, umaakyat ito sa bintana, gamit ang makakapal na kumot na binili nila na itinatali sa ilalim ng kama.
At dahil din sa araw araw na nightmare ni John na may mangyayari sa kanya kaya takot na takot ito parati. Hindi nawala ang nightmare na iyon kahit magkatabi pa sila, ngunit hindi na ganun kadalas. Naiiyak siya sa tuwing nakikita niyang umiiyak si John habang natutulog at tinatawag ang pangalan niya. Pareho nilang di alam kung bakit parati nararanasan ni John iyon. Natatakot din siya pero di niya pinahahalata dito kapag nagkukuwento ito sa kanya, palagi lang siyang positibo upang maging lakas ni John.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...