Pinupunasan ni Danny ang kapatid nang sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla itong nagmulat. Ikinagulat ni Danny iyon, napabuka lang ang kanyang bibig at napatitig siya ng matagal sa nakadilat na kapatid na sa kisame nakatingin, may mga luhang tumulo sa mga mata nito.
“Sa..m” sigaw ni Danny
Napatayo sina David, Jun at Shone. Maging ang mga ito ay nagulat. Agad na lumabas si Jun upang tumawag ng doktor upang matignan ito. Nag iyakan ang tatlo na sa wakas ay nagising din ito, sobra silang nagpapasalamat at dininig ang kanilang mga panalangin, kinakausap nila si Sam, ngunit diretso lang ang tingin nito na lumuluha pa din.
“Sam” sambit ni David na umiiyak
Pilit na iginalaw ni Sam ang mga daliri niya, binigyan niya ng tingin ang kapatid ‘John’ walang boses na buka ng bibig niya.
Nakuha agad ni Danny iyon “Tatawagan ko siya” mabilis na kinuha nito ang cellphone, sa sobrang pagkataranta naalala niyang wala pala siyang number ni John. “Wala akong number niya”
“Ako na” presinta ni Shone
Paulit ulit na ibinubuka ng bibig ni Sam ang pangalan ng kasintahan, na di maintindihan ng mga kuya niya kung bakit kahit tinatawagan na ni Shone. Nakita ni Sam sa panaginip niya ang ginawa ni John na nakapagbigay lakas sa kanya upang labanan ang walang lakas niyang katawan. Kailangan siya ni John. Nanatiling umaagos ang luha niya. Lalo na ng walang sumagot sa mga tawag ni Shone. Nais niyang sabihin sa mga kapatid kung ano ang nakita niya upang sana ay puntahan nalang ng mga ito ang kasintahan, ngunit paano niya gagawin iyon, may oxygen pang nasa ibibig niya. At di pa siya ganun kalakas.
Nagtataka si Sam kung bakit walang kahit anong binabanggit ang mga kapatid, tungkol kay John, pagkatapos kanina na sinabi ni Shone na hindi niya ito makontak ay doon na natapos ang pagbanggit ng mga ito sa kasintahan na nagbigay pag aalala sa kanya.
Masaya ang lahat sa pag gising niya, wala na ang oxygen sa bibig niya pero di pa ganun kabilis ang pagsasalita niya. Hindi mawala sa mga mata ng mga kapatid, kaibigan at ama ang luha sa sobrang kagalakan kaya di niya maitanong si John.
“Sam Sam, I miss you so much” sabi ni Justin na umiiyak
Maging si Travis ay may luha din sa mga mata nito.
“Jo..hn” sambit niya kay Justin
Nagkatinginan ang magkasintahan. “Wag kang mag aalala busy lang iyon pero baka bukas nandito na rin iyon”
“Ta…wa..gan mo siya.. please” pisil pa niya sa kamay nitong nakahawak sa kanya
“Gagawin namin iyan mamaya” sabi ni Travis
“Nga..yon na plea..se” pagpupumilit ni Sam
Tumingin na si Justin sa nasa kabilang side nang kamang sina David.
“Sam, magpahinga ka na muna. Tatawagan namin si John, wag ka nang mag alala, di niya sinasagot ang cellphone niya sa ngayon. Tinawagan ko na si Jaden, siya na daw ang bahala”
Hindi pa rin kumbinsido si Sam at nais pang ipagpilitan ang nais niya
“Sam, pangako gigising ka namin kapag dumating na siya. Actually kanina nandito siya kaninang umaga”
Alam ni Sam iyon dahil narinig niya ang boses nito sa tabi niya kanina, kaya lalo siyang nag aalala na baka di lang basta panaginip ang nakita niya dahil na rin sa sinabi ni John kanina.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...